(Davao City/ September 7, 2013)
---Sinupalpal ng ilang mga barangay kapitan sa bayan ng Kabacan ang diumano’y
mataas na marka ng LGU sa larangan ng good governance partikular na sa
transparency.
Ito makaraang nakakuha ng rating
na 5 o katumbas ng pinakamataas na marka ang LGU Kabacan sa katatapos na Local
Governance Management System o LPGMS 2012 gayung may ilang pondo para sa brgy.
ang hindi maipaliwanag ng tanggapan ng treasurer at budget kungsaan napunta.
Tinukoy ng mga punong barangay
ang P2.4M na pondo kungsaan P100,000.00 dapat ang tatanggapin ng bawat
barangay, pero ni piso walang natanggap ang 24 na mga barangay, ayon sa report.
Paliwanag naman ni Municipal
Treasurer Prescilla Quinones na may P1.2M pang naiwan sa nasabing pondo, pero
ang P1.1M dito, wala pang paliwanag ang nasabing tanggapan.
Nang halungkatin ng mga barangay
kapitan sa isang open forum, ipinaliwanag na ang nasabing pondo ay napunta sa
gasolina.
Hindi rin umano sumasang-ayon
ang ilang mga kapitan sa paliwanag ni Budget officer Amabelle Travilla na hindi
nila alam ang nasabing transaksiyon, gayung naka-voucher naman ito.
Nabatid na ang nasabing pondo ay
ipinangako noon ni dating Mayor George B. Tan sa isinagawang municipal
development council ng mga barangay.
Kaugnay nito, iginiit ng isang
NGO na pinamumunuan ni Moro P’core Executive Director Zaynab Ampatuan ng magbuo
ng investigating body para imbestigahan ang nasabing anomalya. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento