Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Residential house sa isang barangay ng bayan ng Kabacan, nilooban: mahigit P30K na halaga ng gamit natangay

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2015) ---Abot sa P32,600 na halaga ng gamit ang natangay ng mga kawatan sa isang bahay sa Purok 1 Brgy. Katidtuan ng bayan ng Kabacan kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP kinilala nito ang may-ari ng bahay na isang Mary Grace Malayan, 31 anyos, may-asawa, isang Bookkeeper at residente ng nasabing lugar.

Mag-aalas 6:00 na kahapon ng umaga ng matuklasan ng may-ari na nalooban na sila.

Reklamo sa Video K Bar sa isang inuman sa bayan ng Kabacan, pinasinungalingan ng may-ari

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2015) ---Iginiit ng may-ari ng Fashionista Bar sa USM Avenue Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan na paninira lamang sa kanyang negosyo ang mga reklamong ipinapaabot sa kanyang inuman.

Ayon kay Magdalena Limos ang may-ari ng nasabing inuman sa panayam ng DXVL News Team, na sinusunod niya ang ordinansa ng Brgy. Poblacion Council hinggil sa mga videokehan na kapag lumalagpas na sa alas 10:00 ng gabi ay kanya na itong pinapahinaan.

Dahil sa lasing umano ang kanyang mga kostumer kapag sumapit na ang nasabing oras ay kanya lamang umanong tina-timing ang pagpapahina nito.

SB Kabacan, nagpasa ng resolusyon na nagpapahintulot kay Mayor Guzman na magpalabas ng pondo upang bayaran ang nalalabing utang ng Brgy. Poblacion sa Street Lights ng Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2015) --- Nagpasa ng resolusyon si SB Member Kagawad Roseman Mamaluba hinggil sa pagbibigay ng pahintulot kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. na magpalabas ng pondo mula sa LGU upang mabayaran na ang nalalabing utang ng Brgy. Poblacion Council sa COTELCO sa Street Lights.

Ito ang isinaad ni Councilor Rhosman Mamaluba sa panayam ng DXVL News Team sa nangyaring regular na session kahapon.

Barangay Kapitan at kasamang escort patay sa panibagong pamamaril sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ August 14, 2015) ---Patay ang Punong Barangay kasama ang escort nitong Barangay Peace-Keeping Action Team o BPAT makaraang paulanan ng bala sa bahagi ng Brgy Gli-Gli ,Pikit, North Cotabato pasado alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PI Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP ang mga biktima na sina Dats Simon, Brgy. Kapitan ng Brgy. Bulol sa nasabing bayan at ang escort nitong si Akmad Bantas.

Nagtamo ng ibat-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Water Laboratory ng Biodept-CAS, USM nilooban, Laboratory Equipment natangay

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2015) ---Pinasok ng mga di pa kilalang kawatan ang water laboratory ng Department of Biology ng College of Arts and Sciences, USM Compound.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, dakong alas 7:30 na kahapon ng umaga nang matuklasan ng isang empleyado na kinilalang si Julie Salasal, 48 anyos, dalaga, na residente ng USM Compound na nalooban na ang nasabing laboratoryo.

Malayong Barangay sa bayan ng Mlang, mabibiyaan ng libreng pabahay

(Mlang, North Cotabato/ August 13, 2015) ---Tatlong mga liblib na barangay sa bayan ng Mlang, North Cotabato ang mabibigyan ng dagdag na libreng pabahay.

Ayon kay Mlang Mayor Joselito Piñol, na plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Mlang, North Cotabato na maabot ang iba pang barangay sa libreng pabahay program para sa mga lumad sa bayan.

Mga probisiyong tinanggal ng ad hoc committee sa BBL, napag-usapan –LMT ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2015) ---Muling iginiit ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na  malaki-laking usapan pa ang  mangyayari kung sakali mang hindi maibabalik ang ilang tinanggal na probisyon ng Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay North Cotabato Local Monitoring Team Jabib Guiabar sa panayam ng DXVL News, kanyang iginiit na ang kanilang bersiyon ng BBL ang siyang dapat na ipasa at wala nang dapat tanggalin sa mga probisyon nito.

Napag-usapan na umano ito ng MILF at ng Government Peace Panel.

Retiradong Sundalo, patay sa panibagong pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ August 13, 2015) ---Patay ang isang retiradong sundalo matapos pagbabarilin ng riding tandem sa purok 3, Himulatan Subivision, brgy. Lanao Kidapawan City pasado alas 6:00 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Daniel Paalisbo, 51-anyos,at isa ring tricycle driver na taga Purok 5 sa nabanggit na lugar.

Pinarado ng biktima ang kanyang tricycle para sunduin ang kanyang pamangkin ng pagbabarilin ng dalawang armadong suspek ng malapitan.

Magsasaka, kritikal ng pagbabarilin sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2015) ---Personal grudge ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pagbaril sa isang magsasaka sa Brgy.Aringay, Kabacan Cotabato pasado alas 7:00 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero OIC-PNP chief ng Kabacan PNP ang biktima na si Abner John Hilario Diaz, 25 anyos, binata at residente ng nasabing lugar.

Mga Lumad sa Distrito Dos sa Probinsiya, balak harangan ang planung pagpapatanggal kay Rep. Catamco bilang Committee Chair ng IP sa kongreso

(Kidapawan City/ August 11, 2015) ---Bumuo ngayon ng posisyon letter ang ilang mga Indigenous People o IP’s sa 2nd District ng North Cotabato para harangan ang planung pagpapatanggal kay congresswoman Nancy Catamco bilang Committee Chair ng Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples sa Camara de Representantes.

Ito ang naging tugon ng mga pangkat ng lumad sa isinagawang IP congress sa Havanna Restaurant sa Kidapawan City kanina.

P13.1M infra-projects ipinagkaloob sa Pres. Roxas at Magpet

AMAS, Kidapawan City (Aug 10) – Abot sa P13.1M na infrastructure projects ang tinanggap ng apat na barangay sa Pres. Roxas at tatlong barangay sa Magpet sa sunud-sunod na turnovers noong August 9, 2015.

Sa Pres Roxas, kabilang ang Barangay Kimahuring na nabiyayaan ng isang P600,000 na multi-purpose building; Barangay F. Cajelo, Sagcungan at New Cebu na nabigyan ng tig-iisang covered court na nagkakahalaga ng P2M bawat isa.

Street lights ng Poblacion, Kabacan posibleng di pa maibabalik

(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2015) ---Posibleng matatagalan pa bago muling maibalik ang serbisyo ng street lights sa Poblacion ng Kabacan.

Ito dahil sa may natitira pang utang ang barangay na abot sa P259,000.00.

Ayon kay Kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL News kanyang tinungo ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco kahapon.

Ang tugon ng kooperatiba, ibabalik ang linya ng street lights kung mag-MOA ang Barangay at ang Cotelco.

Pero ayon kay Kapitan Remulta, Malabo makapag-MOA sila sapagkat hindi makakaya ng pondo ng Poblacion ang buwanang bayarin na P40,000.00.

Napag-alaman na abot sa P600,000 ang utang ng nagdaang administrasyon sa Cotelco dahilan kung bakit pinutol ng kooperatiba ang serbisyo ng Street lights.

Kabacan Water District magsasagawa ng public hearing at project presentation re: water rate adjustment

(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2015) ---Magsasagawa ng public hearing at project presentation ang Kabacan Water District o KWD hinggil sa planong pagtaas ng singil sa bayarin ng tubig sa bayan ng Kabacan.

Sa panayam ng DXVL News kay KWD General Manager Ferdie Mar Balungay inihayag nitong gaganapin ang public hearing sa Agosto 26 alas nuebe ng umaga sa municipal gym.

Ipinaliwanag ni Balungay na ang pagtataas ng singil sa tubig ay sa susunod pa na taon 2016, buwan ng Abril.

Aniya, mahigit sampung taon na na hindi nagkaroon ng water rate adjustment ang KWD mula taong 2005 hanggang sa kasalukuyan ay 157 pesos ang minimum rate ng KWD.

Mayor Guzman, ipinaliwanag ang direktiba ng pagbabawal ng pagtitinda ng isda sa labas ng ‘wet market’

(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Ipinaliwanag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang direktiba ng pagbabawal nito ng pagtitinda ng isda sa Aglipay Street sa bayan ng Kabacan.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng alkalde na hindi nito pinapayagan ang illegal na pagnenegosyo sa Kabacan.

Aniya hindi umano taga Kabacan ang nagtitinda at supplier ng mga isda at ang mga ito ay hindi nagbabayad ng obligasyon sa gobyerno.

Paniningil ng sobra-sobra ng Kabacan LTO re: ownership fee at pag-claim ng bagong plaka, itinanggi

(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Pinasinungalingan ng pamunuan ng Kabacan Land Transportation Office o LTO District ang mga reklamo kaugnay sa sobrang panininingil ng LTO Kabacan sa mga kliyente ng kanilang ahensya.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Kabacan LTO District head Ansari Sumpingan na walang katotohanan ang lahat ng reklamo sa kanya.

Paliwanag pa ni Sumpingan na hindi totoo na naniningil sila ng abot sa P3,500 pesos sa halip na P226 pesos sa plain transfer ng sasakyan o ang ownership fee.

Pagbaril patay sa isang 31-anyos na lalaki sa bayan ng Carmen, patuloy na iniimbestigahan

(Carmen, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Patay on the spot isang 31 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng mga di pa kilalang mga suspek sa tabi ng National Highway particular sa Purok 2, Brgy. Liliongan, sa bayan ng Carmen North Cotabato dakung alas 5:30 kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PSI Julius Malcontento hepe ng Carmen PNP ang biktima na isang KENNETH SABEROLA , walang trabaho at residente ng nabanggit na barangay.

Kabacan Central Pilot Elem. School PTCA President sinagot ang reklamo hinggil sa pagsasara ng gate sa likod ng KCPES

(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Sinagot ng Kabacan Central Pilot Elementary School PTCA President ang reklamo ng mga magulang, estudyante at ilang mga guro hinggil sa pagsasara ng gate sa likod ng nasabing paaralan.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni PTCA President Palot K. Dandayog na nasangguni umano sa PTCA general assembly noong Agosto 1 ang pagsasara ng gate na nasa likod ng nasabing paaralan, partikular sa Matalam St.

Kabacan LGU puspusan ang paghahanda sa 68th Founding anniversary ng Bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Puspusan na ang paghahanda ng LGU Kabacan para sa 68 Founding Anniversary ng Bayan ng Kabacan. 

Ito ay ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa panayam ng DXVL news.

Aniya, may iba’t ibang committee umano na nakatalaga sa bawat event at asahan umano ng mga Kabaceño at mga mamamayan sa karatig bayan ang mga programa at palabas na itatampok sa 68th Founding Anniversary ng Kabacan.

7 mga barangay sa Tulunan nabiyayaan ng 14M infra projects

(AMAS, Kidapawan City/ August 10, 2015) – Abut-abot ang pasasalamat ng mga opisyal at mga residente ng 7 barangay sa munisipyo ng Tulunan, Cotabato  matapos ang  sunod-sunod na turnover of projects kahapon.

Kabilang sa naturang mga barangay ang Tuburan, New Panay, Bagumbayan, F. Cajelo, New Culasi, Bunawan at Damawatu  na  nabigyan ng  tig-iisang covered court.

Abot sa P2M ang halaga ng kada covered court o kabuuang P14M na pinondohan ng national government sa inisyatiba ng Trade Union   Congress of the Philippines o TUCP at ng Provincial Government of Cotabato  bilang  project   implementer.

Graduating student nag-selfie, bago nagpakamatay?

(Carmen, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Natagpuang wala ng buhay ang isang 19-anyos na dalaga matapos na pinaniniwalaang nagbigti sa sariling silid nito sa kanilang bahay sa Purok 3, Barangay General Luna, Carmen, North Cotabato ala 1:00 ng hapon nitong Sabado.

Sa report na nakarating kay PCI Bernard Tayong, ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kinilala ang biktima na si April Rose Jimenez, 19-anyos, graduating HRM student ng USM at residente ng nasabing lugar.

Ang biktima, ayon sa report ay anak ng dating brgy. Kapitan sa nasabing lugar.

11-anyos na Math Wizard na tubong Kabacan, wagi ng 2nd place sa Math Olympiad sa China

(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Naiuwi ng isang 11-anyos na Math Wizard na tubong Kabacan, North Cotabato ang second place sa katatapos na math Olympiad na isinagawa sa Hangzhou, Zhejiang, China kamakalawa.

Isa si Janna Michaella Oliva ng Precious International School of Davao ang nakakuha ng 2nd place sa individual category ng nasabing patimpalak.

Si Oliva ay grade 5 pupil ng nasabing paaralan at anak ni Sir Jun Oliva at apo ni dating USM President Virgilio Oliva.

Malaking karangalan hindi lamang sa Kabacan kundi maging sa buong bansa ang nakamit ni Janna.