Sa panayam ng DXVL news inihayag ng alkalde
na hindi nito pinapayagan ang illegal na pagnenegosyo sa Kabacan.
Aniya hindi umano taga Kabacan ang
nagtitinda at supplier ng mga isda at ang mga ito ay hindi nagbabayad ng
obligasyon sa gobyerno.
Dehado rin umano ang mga nagtitinda sa wet
market.
Dagdag pa ng alkalde na kailangan ng bayan
ng Kabacan ng investors ngunit ang kailangan na investors ay ang mga legal at
may kakayahang magbayad ng obligasyon sa pamahalaan ng Kabacan.
Samantala, ipinaliwanag din ni Mayor Guzman
ang reklamo hinggil sa sirang daan sa Villanueva Subdivision.
Aniya nagkaroon ng gravelling sa area ngunit
hindi umano maipagpapatuloy sa ngayon dahil sa tag ulan.
Kailangan umano ng donation ng may-ari dahil
ang Villanueva Subivision ay isang pribadong pag-aari.
May area na umano ng subdivision na
nai-donate na sa pamahalaan. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento