Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

State of Calamity; ideneklara na sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Kabacan matapos ang mga pagbaha sa ilang mga brgy ng bayan dahil sa hagupit ng bagyong Pablo na tumama sa probinsiya at sa bahaging ito ng Mindanao.

Ang state of calamity ay ideneklara kahapon ng Sangguniang bayan ng Kabacan sa kanilang regular na session matapos ang mahigit sa dalawang libung mga pamilya ang naapektuhan sa nasabing mga pagbaha, ayon sa report ni MSWD Officer Susan Macalipat.

Mga otoridad blanko pa rin kung sino ang suspek sa panibagong shooting incident sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Wala pang lead ang Kabacan PNP kung sinu ang responsable sa pagbaril patay sa isang tricycle driver kamakalawa ng madaling araw sa Rizal St., National Highway, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Bobong Ampilan Kauyagan, 35-anyos, tricykad driver at resident eng Sunrise St, ng nabanggit na lugar.

Turn-over ng mga tulong medikal mula sa World Medical Relief, tinanggap ng Provincial Government ng North Cotabato


(Amas, Kidapawan city/ December 14, 2012) ---Tiniyak ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza na mabibigayn ng kalidad na medikal na atensiyon ang mga indigents sa probinsiya ng North Cotabato.

Ito ang ginawang pahayag ng opisyal kamakalawa sa isinagawang Turn-over ceremony ng World Medical Relief sa Provincial Capitol ng North Cotabato.

Bonus ng mga kawani ng LGU Kabacan, makukuha na sa Disyembre a-21


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Bagama’t tumanggi munang ihayag ni Budget Officer Amabelle Travilla kung magkakano ang tatanggaping bonus ng mga empleyado ng LGU Kabacan, tiyak naman umano nilang matatangap ang kanilang Pnoy na P5,000.00.

Sinabi naman ni Administrative Officer Cecilia Facurib na dadaan pa sa Sangguniang bayan at sa budget ang proseso ng pagbibigay bonus ng mga kawani.

20th CBDEM Day, ipagdiriwang ngayong araw


(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Handa na ang mga estudyante, faculty and staff ng College of Business Development and Economic Mangement para sa gagawing 20th CBDEM Day ngayong araw.

Pangungunahan ni CBDEM Dean Dr. Gloria Gabronino ang nasabing programa kungsaan ganap na alas 7:00 ng umaga bukas ay gagawin ang kanilang parade habang alas 9:00 naman magsisimula ang programa.

20-anyos na lalaki, arestado dahil sa paglabag sa RA 9287


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Huli ng mga otoridad ang isang 20-anyos na lalaki dahil sa paglabag nito sa RA 9287 o mas kilala sa tawag na illegal gambling.

Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Jeryl Mae Gutong Calungsod, binata, last two attendant at residente ng Calawag, Pikit, Cotabato.

1st Badminton Tournament para sa may mga sakit na Cancer sa Kabacan, isasagawa


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Nagharap sa Sangguniang bayan kahapon ang isang 15 years na cancer survivor na nakilalang si Elizabeth Navarro para humiling ng tulong pinansiyal sa gagawin nilang 1st Badminton Open tournament, play for a cause bilang tulong sa mga may sakit na cancer sa bayan ng Kabacan.

Suportado naman ni Vice Mayor Policronio Dulay kasama ang mga konsehal ng bayan ang nasabing adbokasiya ng nasabing laro.

35-anyos na lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2012) ---Dead on the spot ang isang 35-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga salarin gamit ang .45 na armas ng baril sa Rizal St., Pobalcion, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng Orro Resto  at ng Kabacan Pilot Central Elementary School, pasado alas 12 kanina ng hating gabi.

Sa Phone Interview kay P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Bobong Amkilan Kauyagan, 35-anyos, trisikad driver at Presidente ng Sunrise St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.