Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Turn-over ng mga tulong medikal mula sa World Medical Relief, tinanggap ng Provincial Government ng North Cotabato


(Amas, Kidapawan city/ December 14, 2012) ---Tiniyak ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza na mabibigayn ng kalidad na medikal na atensiyon ang mga indigents sa probinsiya ng North Cotabato.

Ito ang ginawang pahayag ng opisyal kamakalawa sa isinagawang Turn-over ceremony ng World Medical Relief sa Provincial Capitol ng North Cotabato.

Abot sa $1,800,000.00 ang laman na tulong na ipinamahagi ng World Medical Relief lulan sa mga malalaking container na pumasok sa probinsiya ng North Cotabato, ayon pa sa gobernador.

Masaya namang tinanggap ng pamunuan ng provincial government ang nasabing tulong ng World Medical Relief, na ayon kay Mendoza ay malaking tulong sa probinsiya.

Pinasalamatan din nito ang Chief Executive Officer ng World Medical Relief George Samson kungsaan hangarin din nito ang tumulong sa bansang Pilipinas partikular na sa mga taga-probinsiya ng North Cotabato.

Kaugnay nito, ipinagmalaki din ng gobernador sa mga bisita ang Asik-asik falls na tinaguriang pinakamagandang falls sa bansa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Samson na na-impressed ito sa mga hakbang at sa liderato ng pamamahala ni Mendoza sa probinsiya.

Una na ring nagsagawa ng medical mission ang WMR sa iba’t-ibang mga bayan sa North Cotabato kasama na sa mga ospital ng probinsiya katuwang ang Provincial Health Office. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento