Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bonus ng mga kawani ng LGU Kabacan, makukuha na sa Disyembre a-21


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Bagama’t tumanggi munang ihayag ni Budget Officer Amabelle Travilla kung magkakano ang tatanggaping bonus ng mga empleyado ng LGU Kabacan, tiyak naman umano nilang matatangap ang kanilang Pnoy na P5,000.00.

Sinabi naman ni Administrative Officer Cecilia Facurib na dadaan pa sa Sangguniang bayan at sa budget ang proseso ng pagbibigay bonus ng mga kawani.

Aniya, kasabay ng Christmas party ng LGU Kabacan sa Disyembre a-21 ay matatanggap din nila ang kanilang bonus.

Kung matatandaan, ayon sa report, abot sa P30,000.00 ang natanggap na bonus ng mga empleyado noong nakaraang taon, ito dahil sa may malaking savings ang munisipyo.

Ang LGU Kabacan ay may kabuuang staff and personnel na 266 na mga kawani kasama na dito ang mga casuals at mga job orders.

Gagawin naman ang kanilang Christmas party sa hapon ng Disyembre a-21 kasabay rin ng anunsiyo ng mga mananalong “Liwanag sa Kabacan Contest, 2012”.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng LGU ang lahat ng mga sumaling kalahok sa Liwanag sa Kabacan contest na sumali sa Christmas party na magsisimula ganap na alas 2:00 ng hapon. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento