Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

State of Calamity; ideneklara na sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Kabacan matapos ang mga pagbaha sa ilang mga brgy ng bayan dahil sa hagupit ng bagyong Pablo na tumama sa probinsiya at sa bahaging ito ng Mindanao.

Ang state of calamity ay ideneklara kahapon ng Sangguniang bayan ng Kabacan sa kanilang regular na session matapos ang mahigit sa dalawang libung mga pamilya ang naapektuhan sa nasabing mga pagbaha, ayon sa report ni MSWD Officer Susan Macalipat.

Una na ring nagdeklara ng state of Calamity ang probinsiya ng North Cotabato sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong pablo nitong mga nakaraang linggo.

Nabatid mula kay Kabacan Municipal Agriculture Officer Sasong Pakkal na abot sa 157 ektarya ng sakahanng palay ang naapektuhan sa brgy Kilagasan at karamihan sa mga ito ay nasa vegetative stage pa lamang.

Patuloy namang inaalam ngayon ng kanyang pamunuan ang danyos sa brgy Magatos at Brgy Kayaga habang ginagawa pa ang validation ng data.

Kaugnay nito, may 800 seed bags of palay naman ang ngayon ay available sa tanggapan ng MAO, ayon sa opisyal.

Pero may mga proseso pa silang gagawin bago ito ipapamahagi samga nasalantang magsasaka dahil sa mga pagbaha.

Samantala, naglaan naman ang LGU Kabacan ng abot sa P100,000.00 bilang tulong ng munisipyo sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Compostella Valley na malubhang naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Nananawagan naman ngayon ni Municipal Disaster Risk Reduction Officer Dr. Cedric Mantawil sa publiko partikular na sa mga mamamayan ng Kabacan na tumatanggap ang kanilang pamunuan ng donasyon in kind or in cash para sa mga biktima ng bagyong Pablo sa compostella Valley, para sa inyung mga tulong donasyon makipag-ugnayan sa tel # 248-2123 o sa cell phone # 0920-948-5004 o di kaya kay MSWD Officer Susan Macalipat sa # 0919 3190840.

Tutulak ang grupo ng LGU sa nasabing lugar para mamigay ng tulong bago sasapit ang pasko para mamigay ng tulong buhty dito sa USM, Kabacan Water District at ng pamahalaang lokal ng Kabacan sa pakikipagtulungan ng MDRRMC at ng MSWDO.

Maari ding dalhin ang inyung mga tulong dito sa DXVL FM o di kaya sa Faculty House ng University of Southern Mindanao.

Sinabi naman ni Executive Assistant to the Pres. Bebot Moneva sa panayam ng DXVL News na planu din nilang kanselahin ang isasagawang christmas party sa USM at ang gagastusin dito ay ibibigay nalang na tulong donasyon sa mga naging biktima ng bagyong Pablo.

Suportado rin ni USM Pres. Dr. Jess Antonio Derije ang nasabing panukala sa kanyang programa sa DXVL na USM Ngayon at bukas kungsaan nais din ng university na makatulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo, bagama’t walang ng kainan, may gagawin naman pong programa aa paskuhan.

Ang nasabing tulong pahayag ay ginagawa ng opisyal kaninang umaga sa isinagawang joint session ng Municipal Peace and Order Council Meeting at ng Municipal Disaster Risk Reduction council o MDRRMC.

Kabilang din sa mga pinag-usapin kanina ang pag re activate ng Incident Command Structure dahulan ng mabilis napagresponde ng kinauukulan samga nangangailangan ng tulong sa tuwing may kalamidad.

Pero sa kabila ng sigasig ng line agencies ng pamahalaang lokal ng Kabacan, pinakamalaking problema pa rin nila ang kakulangan sa pondo ng gasolina.

Anila, hindi agad sila makaresponde dahil sa walang emergency fund para sa gasolina ng sasakyan ng LGU. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento