Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

13 libong mga mag-aaral sa Kidapawan City lumahok sa earthquake preparedness symposium


(Kidapawan City/March 10, 2012) ---Simula pa noong nakaraang linggo ay nagtuluy-tuloy na ang earthquake preparedness symposium sa iba’t ibang mga paaralan sa Kidapawan City na magkatuwang na isinusulong ng Disaster Risk Reduction Management Council ng Kidapawan City LGU.

Plaza ng Kidapawan City magiging extension na ng Mega Market kapag Miyerkules at Linggo

(Kidapawan city/March 9, 2012) ---Simula ngayong Linggo, magiging extension na ng Mega Market ang bahagi ng City Plaza tuwing Miyerkules at Linggo – ang mga araw na itinuturi’ng na market day sa Kidapawan City, kung saan maaari’ng magtinda ng kanilang mga produkto ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay at kalapit-bayan.
         
Ang plano nagmula mismo kay City Mayor Rodolfo Gantuangco.

Rehabilitation ng mga provincial road sa bayan ng Kabacan, tinututukan ng Provincial government ng North Cotabato


Written by: Rhoderick Beñez

Patuloy ngayon ang ginagawang gravelling at rehabilitation sa ilang mga provincial road sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay ABC Pres at Brgy. Poblacion Kapitan Herlo Guzman Jr. kungsaan ang nasabing proyekto ay pinangungunahan ng provincial government ng Cotabato sa pamumuno ni Cotabato Governor Emmylou Lala Taliño Mendoza.

Kabilang sa mga barangay na inaayos ngayon ay ang kalsda papuntang brgy. Cuyapon, Lower Paatan, Aringay, Bannawag at Bangilan.

Libu-libong coffee seedlings ipinamahagi sa mga magsasaka


Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/March 9, 2012) ---Namahagi ngayon ng abot sa 8 thousand coffee seedlings ang tanggapan ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan sa Barangay Dado, Alamada.

Bahagi pa rin ito ng Agri- Pangkabuhayan Para Sa Kapayapaan Program ng kongresista na nakatutok sa pagbibigay suporta sa mga magsasaka.

Paghahanda sa Tribal Christian Gathering (TCG) 2012 niluluto na hinggil sa National Indigenous Month


Written by: Ferdinand Miano

Magkakaroon ng Tribal Christian Gathering (TCG) 2012 ngayong darating na Abril. Ang nasabing programa ay lalahukan ng mga Tribal Groups sa ibat-ibang dako ng kapuluan bilang selebrasyon ng National Indigenous Month.

Kaugnay nito, magsasagawa din ang mga tribal groups ditto sa North Cotabato particular na sa Sitio Sayaban Brgy. Ilomavis Kidapawan City ngayong darating na ika 18-22 ng Abril taong kasalukuyan.

Motorsiklo tumilapon matapos mabangga sa Carmen, North Cotabato


Written by: Delfa Vanea Cuenca

(Carmen, North Cotabato/March 9, 2012)Isang bangaan ang naganap sa Carmen, North Cotabato kamakalawa partikular na sa National Highway sa harapan ng Mega Teminal at Carmen Municipal Hall.

Tumilapon ang isang XRM motorcycle na may plate number MT 7897 na pagmamay-ari ni Diosa S. Aluidin at minamaneho ni Elmer Sumagka, residente ng Brgy. Ranzo, Carmen, North Cotabato matapos itong mabangga ng isang Mitsubishi Adventure na may plate number OJB-863 at minamaneho ng isang Alexander Medes, 50 anyos at residente ng Igpit, Opol, Misamis oriental at isang Civil Engineer.

2 Kalabaw ninakaw sa isang brgy. sa Kabacan, 1 narekober sa erya ng Maguindanao

Written by: Rhoderick Benez

(Kabacan, North Cotabato/March 9, 2012) ----Ninanakaw ng mga di pa nakilalang mga salarin ang kalabaw na pag-mamay-ari ng isang nakilalang Dominador Mendoza Jr., na residente ng Upper Paatan.

Ito ayon sa report ng brgy kapitan ng Upper Paatan na si Kapitan Tabara, aniya hindi ito ang unang pagkakataon na ninakawan ng alagang hayop ang residente ng Upper Paatan.

15 katao na sangkot sa madugong jail attack sa Kidapawan City kinasuhan na

(Kidapawan City/March 9, 2012) ---Labing lima sa may 30 na mga sinasabing nasa likod ng madugong jail attack sa Kidapawan City ang kinasuhan na ng multiple murder at multiple frustrated murder.
      
Nanguna sa pagsasampa ng kaso, bandang alas-tres ng hapon, kanina, ang Criminal Investigation and Detection Team o CIDT-North Cotabato.

Granada sumabog sa Pikit, North Cotabato


Written by: Rhoderick Benez

(Pikit, North Cotabato/March 9, 2012) ---Niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 7:05 kagabi, ayon sa report ng militar.

Sinabi ni Pikit PNP chief Elias Dandan na wala naman umanong nasugatan sa pagsabog ng granada sa gate ng isang Mosque na malapit sa Public Market ng nasabing bayan.

(Update) NPA itinuturo’ng suspect sa pagbaril patay sa Filipino-Swedish national sa Kidapawan City;


(Kidapawan city/March 8, 2012) ---Patay on the spot ang apatnapu’t walong taong gulang na Filipino-Swedish national na si Patrick Kon Weneger matapos barilin ng maraming beses ng ‘di pa nakikilalang suspect sa may Villamarzo Street, Kidapawan City, alas-745 ng umaga, kahapon.
         
Ayon sa ilang mga testigo, apat katao – kapwa sakay ng dalawang mga motorsiklo, ang nakasunod kay Weneger habang abala ito sa pamimili ng gulay sa naturang lugar.
         
Isa sa mga suspect ang bumunot ng handgun at binaril sa ulo si Weneger ng dalawang beses.
         
Kahit kargado din si Weneger, di ito nakaganti sa kanyang mga attacker.

Katunayan, maging ang sukbit niya’ng baril tinangay din ng mga suspect.   Ito pa raw ang ginamit para siya tapusin ng mga suspect na agad tumalilis patungo sa labasang bahagi ng Villamarzo Street.

Nagpapataya ng illegal Number games, tiklo ng mga otoridad sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/March 8, 2012) ---Huli sa akto ang nagpapataya ng illegal number games o mas kilala sa tawag na last two sa Brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni PO3 Josue Plana Pido ng Matalam PNP ang nagpapataya na si Ricarte Lagmay Aquino, 45 anyos , at residente ng nabanggit na lugar.

Cash Card o ATM Card ng mga 4P’s Beneficiaries wala umanong nilalabas na pera


Written by: Ferdinand Ortiza-Miano

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Sa isyung wala umanong nilalabas na pera ang mga Cash Cards o ATM card ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s Beneficiaries ay Pinabulaanan ng Municipal Advisory Committee o MAC.

Ayon kay Development Officer Emelie Pama ng naturang programa at siya ring tagapangasiwa ng Beneficiary Update System, na kaya wala pa umanong perang nilalabas ang hawak nilang mga Cash cards sa kadahilanang hindi pa nakapaghulog ng pera ang National Government.

Plaza ng Kidapawan City magiging extension na ng Mega Market kapag Miyerkules at Linggo

(Kidapawan City/March 8, 2012) ---Simula ngayong Linggo, magiging extension na ng Mega Market ang bahagi ng City Plaza tuwing Miyerkules at Linggo – ang mga araw na itinuturi’ng na market day sa Kidapawan City, kung saan maaari’ng magtinda ng kanilang mga produkto ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay at kalapit-bayan.
         

Gender and Development Fund iginiit ng board member sa N Cotabato na gamitin nang maayos ng mga LGUs


(Amas, Kidapawan city/March 8, 2012) ---Iginigiit ngayon ni Cotabato 2nd district board member Aying Pagal ang paggamit ng tama sa gender and development o GAD fund ng bawat Local Government Unit o LGU sa probinsiya.
         
Ang GAD ay kinukuha mula sa internal revenue allotment o IRA ng bawat LGU o limang porsiento sa naturang pondo.

Cotelco at TMI lumagda na sa Contract of Signing hinggil sa hiling na dagdag na megawatts ng kooperatiba

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Pumirma na ng contract of signing ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc o Cotelco at ang Therma Marine Incorporated o TMI noong Pebrero a-24, ito upang makabili ng karagdagang 8megawatts na dagdag na supply ng kuryente ng Cotelco upang kung di man tuluyang masolusyunan ay maibsan lamang ang napakahabang load curtailment na ipinapatupad sa service erya ng Cotelco dala ng krisis sa enerhiya sa bahaging ito ng Mindanao.

Ito ang sinabi ngayong hapon ni cotelco spokesperson Vincent Lore Baguio, aniya abot kasi sa -98megawatts ang kakulangan sa supply ng kuryente sa Mindanao dahilan kung bakit may mahaba at malawakang pagkawala ng supply ng kuryente sa Mindanao.

Lalaki patay matapos makagat ng asong ulol sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Binawian na ng buhay ang isang lalaki makaraang makagat ng asong ulol sa Brgy. Bannawag, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ayon sa impormasyong nakuha ng DXVL News mula sa isang pinagkakatiwalaang source, kinilala ang biktima na si Diosdado Condrilion, nasa tamang edad, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Local Council for Women ng Kabacan, may bagong set of officers

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Bilang bahagi ng pagdiriwang ngayong buwan ng Women’s Month binuo ngayon sa bayan ng Kabacan ang mga bagong set of officers ng Local Council for Women.

Akusado sa paglabag sa ipinagbabawal na gamot; pinawalang sala ng hukom; kauna-unahang transcatheter Aortic Valve Implantation, isinagawa ng doktor na tubong Kabacan

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Sa ikalimang pagkakataon ay pinawalang sala ni Judge Laureano Alzate ng Regional Trial Court branch 22, Kabacan ang isang Bai Tarhata Panday sa kasong paglabag sa section 15, Article III ng Republic Act No. 6425 o mas kilala sa Dangerous Drugs Act of 1972.

Ito dahil sa di pagkilala ng mga pulis ang sachet ng shabu na diumano’y binenta ni Panday sa buyer sa halagang P200.00.

3 mga establisiemento sa Kabacan; huli ng MENRO dahil sa paggamit pa rin ng mga cellophane

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Tatlong mga establisiemento sa bayan ng Kabacan ang huli ng MENRO sa isinagawa nilang sorpresang operasyon hinggil sa paglabag ng Municipal Ordinance No. 2011-008.

Isa dito ang nasa USM Avenue at dalawa sa palengke.

Ito dahil sa patuloy pa rin na gumagamit ang mga ito ng plastic cellophane.

Kaugnay nito sinabi ni MENRO Officer Jerry Laoagan na kung magpapatuloy pa rin na

Pagtaas ng presyo ng langis; inaangalan ng ilang mga drivers and operators sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/March 7, 2012) ---Umaangal na ngayon ang ilang mga motorista sa bayan ng Kabacan dahil sa sobrang mahal ng produktong petrolyo na ibinebenta dito.
Kung matatandaan, dalawang magkasunod na pagtaas ng gasolina ang tumambad sa mga motorista noong mga huling lingo ng Penrero. 

Mga gamit sa isang Boarding House sa Kabacan swak sa kawatan

(Kabacan, North Cotabato/March 7, 2012) ---Natangay ng mga di pa nakilalang mga kawatan ang isang Net Book, 3 unit ng Nokia cell phone, 2 unit ng china phone, 3 pantalon at isang Fuma Bag na naglalaman ng mahahalagang bagay sa isang boarding House sa Rio Grande St., Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 3:00 ng madaling araw kanina.

Agricultural Research sa bahaging ito ng Mindanao; patuloy na pinatitibay ng mga researchers ng PCAARRD

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 7, 2012) ---Sa pagpapatibay ng Agricultural Research sa bahaging ito ng Mindanao, isinasagawa ngayon ang Training-Workshop on writing and Presenting  Research Results for Scientific and Technical forum at Journal Publication sa USM Hostel, University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.

Bagong Vice Mayor ng M’lang; pormal ng ipinakilala

(M’lang, North Cotabato/March 7, 2012) ---Pormal nang kinilala bilang bagong Bise Mayor sa bayan ng Mlang si 1st  Councilor Atty Russel Abonado. Matapos manumpa sa harap ni Judge Arvin Balagot ng Municipal Trial Court sa nabanggit na bayan, kamakalawa ng hapon. Limang araw mula sa pagpanaw ng nayapang Bise Mayor na si Hon Bernie Abasques.
Isinagawa ang panunumpa ni Abonado sa harap ng kanyang pamilya, mga myembro ng konseho, Department Heads ng Mlang LGU, at ni Mlang Mayor Joselito Piñol.

Filipino-Swedish national patay sa Pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/March 7, 2012) ---Tadtad ng bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng Filipino-Swedish national na si Patrick Kon Weneger na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
     
Binaril si Weneger habang bumibili ng mga panindang gulay sa may ladlaran ng Villamarzo Street sa Kidapawan City, bandang alas-745 ng umaga, kanina.
      
Dalawa ang tama nito sa ulo at isa sa dibdib.
      

Army magsasampa ng reklamong paglabag sa IHL kontra sa NPA dahil sa paggamit nito ng landmine sa pag-atakeng ginawa sa Makilala, N Cotabato

(Makilala, North Cotabato/March 6, 2012) ---Magsasampa ng reklamong paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ang 57th Infantry Battalion kontra sa New Peoples’ Army (NPA) dahil sa panibagong pag-atake’ng ginawa ng grupo sa mga sundalo sa bayan ng Makilala, North Cotabato.
         
Ayon kay Lt. Manuel Gatus, hepe ng civil military operations ng 57th IB, nagpasabog ng mga landmine ang mga rebelde habang tinutugis nila ang mga ito sa may boundary ng mga Barangay ng Buenavida, Batasan, at Buhay sa bayan ng Makilala, simula kahapon hanggang kahapon ng tanghali.

Lalaki binaril patay sa Kidapawan City

(Kidapawan city/March 6, 2012) ---Patay ang isang lalaki nang barilin ng ‘di kilalang suspect sa may Talisay Street sa Poblacion ng Kidapawan City, alas-715 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Damaso Adame na residente ng Damacon Subdivision ng lungsod.

Lalaki patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 6, 2012) ---Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspetsado dakong alas 10:45 kaninang umaga sa Mantawil St., Kabacan, cotabato partikular sa Slaughter haouse.

Ama, pinatay ng sariling anak sa Matalam, North Cotabato dahil sa di pagbebenta ng kalabaw; suspek kalaboso

Written by: Rhoderick Beñez

(Matalam, North Cotabato) ----Kalaboso at naghihimas ngayon ng malamig na rehas bakal ang suspek na pumatay mismo sa kanyang ama sa Matalam, North cotabato dakong alas 9:30 nitong linggo ng umaga.

Batay sa report ng Matalam PNP, kinilala ni P/Chief Insp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Juanito Juala, magsasaka at residente ng Purok 12, Brgy. Sarayan, Matalam, Cotabato.

Dahil sa matinding problema sa buhay, isang 34-anyos na magsasaka nagpakamatay sa Carmen, North Cotabato

Written by: RB

(Carmen, North Cotabato/March 5, 2012) ---Sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang .45 na pistol ay tinapos ng isang 34-anyos na magsasaka ang buhay nito kamakalawa.

Kinilala ng Carmen PNP sa pangunguna ni P/Insp Jordine Maribojo ang biktima na si Marshal Goncian Sanico, may asawa at residente ng Kibayao Carmen, Cotabato.

Batay sa report nasa loob umano ng bahay ni Mr. Roger Baraguir ang biktima ng bigla na lamang umanong binaril nito ang sarili na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Mahigit sa 8 daang mga Illegal na mga kahoy; nakumpiska sa Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/March 5, 2012) ---Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na pwersa ng Matalam PNP at CENRO 4B ng Kidapawan City ang abot sa walong daang mga boardft. ng illegal na troso matapos makumpiska sa Highway ng Matalam, kahapon.

Libung halaga ng mga gamit natangay sa isang bahay; drayber ng motorsiklo at tricycle sugatan sa isang vehicular accident sa Kabacan

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 5, 2012) ---Abot sa P64, 250 ang natangay ng mga di pa nakilalang mga salarin matapos nilooban ang isang residential house na nasa Tanguilig Compound, Bonifacio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato noong gabi ng Sabado.

Ayon kay Baby Ruth Ancheta, 21-anyos, estudyante mahambing umano silang natutulog ng di niya na malayan na pwersahan na umanong pinasok ng magnanakaw ang bahay nila.

Isang 24-anyos na security guard, pinagbabaril sa Kabacan, Cotabato; Patay!

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, Cotabato/March 4, 2012) ---Bumulagta ang duguang katawan ng isang 24-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa National Highway, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng chooks to go na malapit sa Crossing Round ball ng USM Avenue dakong alas 7:30 kagabi.

Kinilala ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Marbon Guevar Riogelon, may asawa at security guard ng Wei Hong General Merchandise at residente ng USM, Avenue ng nabanggit na bayan.

Vice-Mayor sa isang bayan ng North Cotabato; pumanaw na

(M’lang, North Cotabato/March 4, 2012) ---Hindi pa rin matanggap ngayon ng mga kamag-anak at maging ng ilang mga malalapit na kaibigan ni M’lang Vice-mayor Bernie Abasques ang pagpanaw niya noong tanghali ng Marso 1, matapos atakehin ng kanyang hypertension.