(Amas, Kidapawan city/March 8, 2012) ---Iginigiit ngayon ni Cotabato 2nd district board member Aying Pagal ang paggamit ng tama sa gender and development o GAD fund ng bawat Local Government Unit o LGU sa probinsiya.
Ang GAD ay kinukuha mula sa internal revenue allotment o IRA ng bawat LGU o limang porsiento sa naturang pondo.
Ang kahilingang ito ay kabilang sa mga punto’ng iginiit ni Board Member Pagal sa kanyang privilege speech noong Martes.
Gamit ang GAD fund, maisusulong nang maayos ng mga LGU ang pagpapaunlad sa sektor ng kababaihan at kabataan.
Sentro din ng talumpati ni Pagal ang patungkol sa epekto ng global warming sa sektor ng kababaihan na inakma niya sa tema ng pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw, March 8.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento