Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libung halaga ng mga gamit natangay sa isang bahay; drayber ng motorsiklo at tricycle sugatan sa isang vehicular accident sa Kabacan

Written by: Rhoderick BeƱez


(Kabacan, North Cotabato/March 5, 2012) ---Abot sa P64, 250 ang natangay ng mga di pa nakilalang mga salarin matapos nilooban ang isang residential house na nasa Tanguilig Compound, Bonifacio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato noong gabi ng Sabado.

Ayon kay Baby Ruth Ancheta, 21-anyos, estudyante mahambing umano silang natutulog ng di niya na malayan na pwersahan na umanong pinasok ng magnanakaw ang bahay nila.
Nilimas ng mga kawatan ang isang unit ng MSI white laptop na nagkakahalaga ng P50thousand, 2 cellphone, 1 Myphone, 2 simpack na loader na nagkakahalaga ng P2thousand, isang unit ng Samsung Champ at Smartbro.

Kaugnay nito, sinabi ngayong umaga sa DXVL ni Supt. Semillano na pina-iingat nito ang publiko matapos ang tumataas na bilang ng mga nakawan ng laptops at mga mamahaling cellphones sa bayan, ibinunyag pa ng opisyal na karamihan sa mga salarin ay mga minor de edad at may mga nakatakda na umanong buyer ang mga ito.

Samantala, kapwa sugatan naman ang dalawang drayber makaraang masangkot sa isang vehicular accident na naganap sa provincial road ng brgy Aringay, partikular sa harap ng USM gate alas 2:20 kahapon ng hapon.

Ayon sa report ng Kabacan traffic division, nag-overtake umano ang isang Honda TMX na motorsiklo na may plate # 2558 YV sa isang Kawasaki tricycle dahilan kung bakit nabangga nito ang likurang bahagi ng tricycle na minamaneho ni Mohamamad Sindikong.

Mabilis namang dinala ang dalawa sa USM Hospital para mabigyan ng karampatang lunas, matapos magtamo ng sugat sa katawan.

Habang nasa kustodiya naman ngayon ng Kabacan PNP ang dalawang sasakyan para sa tamang disposasyon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento