Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Granada sumabog sa Pikit, North Cotabato


Written by: Rhoderick Benez

(Pikit, North Cotabato/March 9, 2012) ---Niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 7:05 kagabi, ayon sa report ng militar.

Sinabi ni Pikit PNP chief Elias Dandan na wala naman umanong nasugatan sa pagsabog ng granada sa gate ng isang Mosque na malapit sa Public Market ng nasabing bayan.
Batay sa report, isang di pa nakilalang salarin ang naghagis ng granada sa harap ng Mosque na makikita sa gilid ng National Highway, partikular sa Sitio Lamak, Poblacion.

Sinabi ni Dandan, na nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa motibo at kung sinu ang responsible sa nasabing krimen.

Ang pagsabog kagabi ay ikalwang beses na insedente ng pagsabaog at pangatlong kaso na naitala ng mga otoridad sa probinsiya ng North Cotabato, simula noong Enero.
      
Nitong Enero lamang, isang Improvised Explosive Device din ang sumabog sa harap ng isang grocery’s store na nasa Public terminal ng nabanggit na bayan.

At nitong Pebrero a-19, tatlong pagsabog din ang naganap sa harapan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Kidapawan City na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat ng 17 iba pa. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento