Written by: Delfa Vanea Cuenca
(Carmen, North Cotabato/March 9, 2012)Isang bangaan ang naganap sa Carmen, North Cotabato kamakalawa partikular na sa National Highway sa harapan ng Mega Teminal at Carmen Municipal Hall.
Tumilapon ang isang XRM motorcycle na may plate number MT 7897 na pagmamay-ari ni Diosa S. Aluidin at minamaneho ni Elmer Sumagka, residente ng Brgy. Ranzo, Carmen, North Cotabato matapos itong mabangga ng isang Mitsubishi Adventure na may plate number OJB-863 at minamaneho ng isang Alexander Medes, 50 anyos at residente ng Igpit, Opol, Misamis oriental at isang Civil Engineer.
Batay sa imbestigasyon ng Carmen PNP, papunta ng Magpet ang distinasyon ni Medes at binabaybay nito ang daan papuntang Kabacan ng bigla nitong mabangga ang lumikong motorsiklo sa intersection.
Tumilapon ang nasabing motorsiklo sa layong higit kumulang 14 meters mula sa punto ng bangaan.
Sugatan ang backrider na nakilalang si Ainell Milla at ang driver ng nasabing motorsiklo. Wasak naman ang harapan ng adventure pagkatapos ng bangaan. Agad namang sinugod sa Amas, Provincial Hospital ang mga biktima.
Sa ngayon, nasa kustudiya ng Carmen PNP ang motorsiklo at ang sasakyan para sa proper disposition.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento