(Makilala, North Cotabato/March 6, 2012) ---Magsasampa ng reklamong paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ang 57th Infantry Battalion kontra sa New Peoples’ Army (NPA) dahil sa panibagong pag-atake’ng ginawa ng grupo sa mga sundalo sa bayan ng Makilala, North Cotabato.
Ayon kay Lt. Manuel Gatus, hepe ng civil military operations ng 57th IB, nagpasabog ng mga landmine ang mga rebelde habang tinutugis nila ang mga ito sa may boundary ng mga Barangay ng Buenavida, Batasan, at Buhay sa bayan ng Makilala, simula kahapon hanggang kahapon ng tanghali.
Sinabi ni Gatus na halos 10 mga landmine ang pinasabog ng mga rebelde, simula kahapon.
Kanina, bandang alas-10 ng umaga, dalawa pang mga miyembro ng 57th IB ang nasugatan matapos masabugan ng bomba habang tinutugis ang mga rebelde sa may Purok-6, Barangay Batasan.
Sinabi ni Gatus na ang landmine ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng IHL.
Ang paggamit din ng mga rebelde ng mga batang mandirigma ay paglabag sa Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and the IHL (CARHRIHL).
SINABI NI GATUS na hindi ito ang una na nagsampa sila ng reklamo sa GRP-NDF peace panel kontra sa NPA.
Noong nakaraang linggo, naisumite na nila sa panel ang reklamo’ng arson kontra sa mga rebelde nang sunugin nila ang mga heavy equipment ng dalawang malalaking construction firm na nagsasagawa ng road rehabilitation sa North Cotabato.
SAMANTALA, abot sa 263 na mga residente o 56 pamilya mula sa mga apektadong barangay ang lumikas patungo sa mga ligtas na lugar sa pangamba nab aka mahagip sila ng mga bala mula sa mga naglalabang grupo at sa mga pinaulan na mortar ng Army at pinasabog na landmine ng NPA.
Sa bilang na ito, sinabi ng social welfare officer ng Makilala na si Lina Canedo, ilan sa kanila nakauwi na.
Pero ang karamihan, particular mula sa Purok-6, Barangay Batasan, ay di pa pinapayagan bumalik.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento