Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libu-libong coffee seedlings ipinamahagi sa mga magsasaka


Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/March 9, 2012) ---Namahagi ngayon ng abot sa 8 thousand coffee seedlings ang tanggapan ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan sa Barangay Dado, Alamada.

Bahagi pa rin ito ng Agri- Pangkabuhayan Para Sa Kapayapaan Program ng kongresista na nakatutok sa pagbibigay suporta sa mga magsasaka.
Ayon kay Congressional District Office Political Affairs Assistant Jun Eruela, ang pamamahagi ng coffee seedlings ay ipinapatupad sa ilalim ng High Value Crops Development Program ng Department of Agriculture o DA.

Nagmula naman sa DA- Regional Office XII ang libu-libong binhi ng Arabica coffee seedlings. Ayon sa mga eksperto, mainam umano ang Arabica coffee species na itanim sa mga matataas na lugar. 

Ngunit nangangailangan din ito ng maayos na pangangalaga upang maabot ang inaasahang mataas na produksyon mula dito.

Mas mataas din umano ang halaga nito sa pamilihan kumpara sa ibang coffee species.

Ang Barangay Dado ay matatagpuan sa mataas na bahagi ng bayan ng Alamada, North Cotabato.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento