Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang 24-anyos na security guard, pinagbabaril sa Kabacan, Cotabato; Patay!

Written by: Rhoderick BeƱez


(Kabacan, Cotabato/March 4, 2012) ---Bumulagta ang duguang katawan ng isang 24-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa National Highway, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng chooks to go na malapit sa Crossing Round ball ng USM Avenue dakong alas 7:30 kagabi.

Kinilala ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Marbon Guevar Riogelon, may asawa at security guard ng Wei Hong General Merchandise at residente ng USM, Avenue ng nabanggit na bayan.


Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad,lumalabas na habang nakatayo umano ang biktima sa gilid ng National Highway ay bigla na lamang itong dinikitan ng di pa nakilalang salarin at pinagbabaril.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang anim na basyo ng kalibre .45 na pistol na ginamit ng biktima sa pamamaslang.

Agad namang hinabol ng mga pulisya ang suspetsado na mabilis na tumakas papuntang Seminar 1 subalit bigo po silang mahuli ang salarin dahil sa madilim at masukal na daanan.

Agad namang inatasan ni Kabacan Mayor George Tan ang mga pulisya na magsagawa ng hot pursuit operation para sa ikadarakip ng suspek.

Ito ang unang kaso ng shooting incident na naitala ng Kabacan PNP ngayong buwang ito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento