Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Christmas Lights sa Kastilyo ng Provincial Capitol, sumisimbolo ng Pag-asa sa bawat Cotabatenos

(Amas, KidapawanCity/ December 18, 2013) ----Kumukutikutitap ang mga makukulay na Christmas lights na mistulang isang kaharian na palasyo ang Amas Provincial Capitol sa Amas, Kidapawan city tuwing gabi.                                                                                                                        
Ito ang mapapansin ng mga dumadaan sa napakagandang ilaw at mga palamuti na inilagay sa palibot ng Provincial Capitol na nagiging tourist attraction sa probinsiya.          
                                                                                                                       
Hindi lamang mga gusali ng kapitolyo na pinailawan ng Christmas lights kundi maging ang mga halaman sa harap ng Provincial Capitol.    

Kidapawan City Government, naglaan ng P12.3M para sa Christmas Bonus ng mga kawani

(Kidapawan City/ December 18, 2013) ---Naglaan ng P12.3 Milyong pisong alokasyon ang Kidapawan City Government para sa Christmas Bonus sa kanilang libu-libong mga empleyado.    
     
Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista na ang Sangguniang Panglungsod ang nag-apruba ng Supplemental Budget na Number 5 buhat sa Personnel savings ng city government, merkado publiko at overland terminal.                            

Ninakaw na motorsiklo sa Kabacan, narekober!

(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2013) ---Narekober ng mga otoridad k ang motorsiklo na Raider 150 na pag-mamay-ari ng isang biktima ng pamamaril na si Francis Jayson Aquino ng Ugalingan, Carmen, North Cotabato.         
                                  
Nanguna sa nasabing negosasyon si Poblacion Kapitan Mike Remulta.   
        
Ang nasabing motorsiklo ay tinangay ng mga di pa nakilalang suspek matapos na mabaril ang biktima sa tinaguraing drug den sa Purok Krislam, Kabacan, Cotabato noong Disymbre a-3.                                           

Mahigit 60 mga empleyado ng Cotabato Division, pinangangambahang maapektuhan ng “Rationalization Plan” ng DEped

(Amas, Kidapawan City/ December 18, 2013) ---Pinangangambahang mahigit sa 60 mga empleyado ng Cotabato Division ang maaapektuhan ng “Rationalization Plan” ng Kagawaran.    
                         
Ito ayon kay Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.          

Naglalakihang aktibidad tampok sa Halad Festival 2014

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ December 17, 2013) ---Pinaghahandaan na ng Halad sa Sto. Niá¹…o Festival Executive Committee ang mga pangunahing programa sa selebrasyon ng kapistahan ngayong darating na January 2014.

Maliban sa Indakan sa Kadalanan street dancing competition, tampok ang iba pang naglalakihang aktibidad tulad ng concert, fashion show, sporting events at fun run.

CNA at ilan pang benepisyo ng mga Kawani ng USM, sinisikapang maibigay bago matapos ang kasalukuyang taon ---VP Garcia

(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 17, 2013) ---Sinisikapan ngayon ng pamunuan ng University of southern Mindanao na maibibigay ang Collective Negotiation Agreement o CNA para sa Faculty ng University of Southern Mindanao na permanent.

Ito ang ginagawang pahayag ni Vice President for Finance and Administration Dr. Francisco Iko Garcia bagama’t tumanggi itong magbigay kung mag-kakano ang tatanggapin ng mga faculty.

Cong. Catamco, pinabulaanang di ito nakapagsumite ng kanyang SoCE

(Kabacan, North Cotabato/ December 16, 2013) ---Pinabulaanan ni North Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco na hindi siya nakapaghain ng Statement of Contributions and Expenditures (SoCE) sa itinakdang deadline ng COMELEC.                                                                                              
Ayon kay Catamco, may kopya umano siyang hawak ng kanyang SOCE na kanyang isinumite at natanggap ng Provincial Office ng Comelec.      

Magsasaka dinedo dahil sa droga

(Kabacan, North Cotabato/ December 16, 2013) ---May posibilidad na onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng di-kilalang lalaki sa bisinidad na tinaguriang drug haven sa Purok Krislam, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang panibagong biktima ng pamamaril na si Hezron Sabaoa ng Barangay Bannawag sa nasabing bayan.

Surcharge sa mga naputulan ng kuryente dahil sa unpaid power bill, maari ng di na mabayaran ng mga konsumante

(Kabacan, North Cotabato/ December 15, 2013) ---Ipinapaalam ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco sa mga naputulan ng serbisyo ng kuryente dahil sa di nakakabayad ng power bill mula buwan ng Oktubre 2013 na maari ng maka-avail ng serbisyo ng kuryente na di na maaaring bayaran ang surcharge.                                                                                                                
Ito ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez batay sa Cooperative’s Policy Bulletin No. 0218.         

Road Concreting sa ilang mga kalye sa Poblacion, Kabacan; ihahabol bago matapos ang taon

(Kabacan, North Cotabato/ December 15, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang road concreting sa ilang mga kalye sa Poblacion, Kabacan.      
                                                                                 
Ayon kay Municipal Engineer Noel Agor na abot sa P1.9M ang pondo mula sa Economic Development Fund para sa pagpapasemento sa Datu Piang St., Jose Abad Santos St. sa Purok Masagana, Roxas Extension, Ma. Clara St., Rio Grande at Kalye Putol.                   

Iwas Paputok Campaign ng RHU Kabacan kaagapay ang DOH, inilunsad na

(Kabacan, North Cotabato/ December 15, 2013) ---Kasabay ng pag-diriwang ng Yuletide Season, inilunsad na rin ngayon ng Rural Health Unit ng Kabacan katuwang ang Department of Health-Center for Health Development Region XII ang IWAS Paputok campaign.

Ayon kay Municipal Health Officer Sofronio Edu, Jr layon ng kanilang kampanya na ipabatid ang panganib na dala ng mga firecrackers at iba pang mga pyrotechnics.