(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 17,
2013) ---Sinisikapan ngayon ng pamunuan ng University of southern Mindanao na
maibibigay ang Collective Negotiation Agreement o CNA para sa Faculty ng
University of Southern Mindanao na permanent.
Ito ang ginagawang pahayag ni Vice President
for Finance and Administration Dr. Francisco Iko Garcia bagama’t tumanggi itong
magbigay kung mag-kakano ang tatanggapin ng mga faculty.
Aniya ang Faculty Association ngayon ang may
hawak ng CNA na magrerepresenta para sa teaching at non-teaching personnel ng
USM kasama na dito ang mga Job Order at mga contract of service na mabibigyan
ng PRAISE.
50 porsiento ng savings ng Pamantasan ay
pamumunta sa CAN habang 30 porsiento naman ang mapupunta sa Imporvement of
Working condition o maari ring mapunta sa CAN at madadagdagan ng 80 porsiento,
ayon kay Dr. Garcia.
Kaya umaasa ang USM na maibibigay nila ang
pamasko para sa lahat ng kawani depende aniya kung permanent, contract of
Service o Job Orders ang empleyado habang niluluto pa ang nasabing negosasyon.
Samantala, patuloy pa rin ang kanilang negosasyon
para maibigay ang Productivity Based Bonus PBB matapos na naunsiyami ito dahil
sa USM Buluan.
Kung magkano at kailan maibibigay, tumanggi
munang ihayag ito ni Dr. Garcia. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento