(Kabacan, North Cotabato/ December 16, 2013)
---Pinabulaanan ni North Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco na
hindi siya nakapaghain ng Statement of Contributions and Expenditures (SoCE) sa
itinakdang deadline ng COMELEC.
Ayon kay Catamco, may kopya umano siyang
hawak ng kanyang SOCE na kanyang isinumite at natanggap ng Provincial Office ng
Comelec.
Bagamat may mga deficiencies sa kanyang mga
naisumiteng dokumento, tiniyak naman ng opisyal na kanyang isusubmit ang ilang
pang mga kulang nito.
Nabatid na ang konggresista ang isa sa mga
20 mga mambabatas ang naisama sa listahan ng comelec na bigong nakapag-submit
ng kanyang Statement of Contributions
and Expenditures sa nakaraang halalan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento