Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 60 mga empleyado ng Cotabato Division, pinangangambahang maapektuhan ng “Rationalization Plan” ng DEped

(Amas, Kidapawan City/ December 18, 2013) ---Pinangangambahang mahigit sa 60 mga empleyado ng Cotabato Division ang maaapektuhan ng “Rationalization Plan” ng Kagawaran.    
                         
Ito ayon kay Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.          
                                      
Aniya, may ilang mga plantilla position sa division ng North cotabato ang maapektuhan ng bagong staffing system ng DepEd.                  
              
Pero sa kabila nito, may mga inilatag na hakbang ang division para di mawalan ng trabaho ang nasabing mga kawani ng Pamahalaan.                

Kabilang na dito ang pagreretiro ng mga retireable para makuha ang regular na benepisyo; pangalawa pwede silang mag coterminous status at ang pangatlo ay maaring mailagay sa mas mataas na posisyon ang matatanggalan ng item, ayon kay Obas.                     
                              
Sinabi pa ng opisyal na 35 sa mga mawawalan ng item sa Cotabato division ay naghain na ng retirement dahil sa magandang packages na inihanda ng gobyerno.   
     

Kaugnay nito, may ginagawa ng placement ang Cotabato division para hindi mawalan ng trabaho ang mahigit 60 mga kawani nito sakaling maipatupad na ang bagong Staffing system ng Deped. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento