Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Road Concreting sa ilang mga kalye sa Poblacion, Kabacan; ihahabol bago matapos ang taon

(Kabacan, North Cotabato/ December 15, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang road concreting sa ilang mga kalye sa Poblacion, Kabacan.      
                                                                                 
Ayon kay Municipal Engineer Noel Agor na abot sa P1.9M ang pondo mula sa Economic Development Fund para sa pagpapasemento sa Datu Piang St., Jose Abad Santos St. sa Purok Masagana, Roxas Extension, Ma. Clara St., Rio Grande at Kalye Putol.                   
                                                                                               
Bukod dito, sinimula na rin nila ang Farm to Market Road sa Pisan na pinonduhan ng Department of Agriculture Region 12 na nagkakahalaga ng P4M at ipinapatupad ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan.                                                    
 

Kahapon, nagpasa din ang Sanggunian ng Kabacan ng abot sa P256,000.00 na Supplemental Development mula sa 20 porsientong Economic Development Fund o EDF para sa pagsasaaayos ng ilang mga kalsada sa Poblacion na iniatas sa Municipal Planning Development Council na pinamumunuan ni MPDC Officer Head Buenaventura Pacania. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento