Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga bulubunduking barangay sa bayan ng Kabacan apektado na ng tagtuyot

(Kabacan, North Cotabato/ March 18, 2015) ---Ilang mga bulubunduking baranggay sa bayan ng Kabacan apektado ng tagtuyot.

Ito ang inihayag ni Agricultural  Technologist Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL news. 

Apektado umano ang mga baranggay na natatamnan ng mais tulad ng baranggay Tamped, Simbuhay, Buluan, Pedtad, Nangaan at Simone.

Barangay sa Kabacan, 100% apektado ng dry spell ang pananim

by: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 18, 2015) ---Nanawagan si Brgy Tamped Kapitan Daniel Saliling ng tulong sa lokal na pamahalaan at sa lalawigan upang bigyan ng pansin ang nararanasang tagtuyot sa kanilang baranggay.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng opisyal na sana’y bigyan sila ng kaunting tulong.

Ipinaliwanag din ng opisyal na isandaang porsyiento ng kanilang tanimang sakahan sa brgy Tamped ang apektado ng tagtuyot. 

Culmination Program hinggil sa Womens Month sa bayan ng Kabacan, matagumpay na isinagawa

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 17, 2015) ---Naging matagumpay ang ginawang Culmination Program hinggil sa Womens Month Celebration na may temang "Juana, Desisyon Mo ay Mahalaga sa Kinabukasan ng Bawat Isa, Ikaw Na!” sa Kabacan Municipal Hall kahapon.

Ayon kay Kabacan MSWDOfficer Susan Macalipat sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng Tai bo kasama ang  ISPEAR ng USM at sumunod ang pagbisita sa Inmates ng BJMP kung saan ay nagbigay sila ng kaunting tulong sa mga ito.

Bayan ng Kabacan ginawaran ng DILG at DSWD ng Seal of Child Friendly Local Governance

Christine Limos & Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 17, 2015) ---Ginawaran ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ang bayan ng Kabacan ng Seal of Child Friendly Local Governance sa General Santos city kamakailan.

Ayon kay MSWD Officer Susan Macalipat sa panayam ng DXVL News na isang malaking karangalan ang nakamit ng bayan.

Bayan ng Makilala nakahanda na sa gaganaping SOPA ngayong araw

(Makilala, North Cotabato/ March 17, 2015) ---Inaasahang nasa 8 libong mga indibidwal ang dadalo sa gaganaping SOPA ni Cotabato Province Gov. Lala Taliño Mendoza sa Makilala Municipal Gym ngayong araw.

Ito ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan sa panayam ng DXVL News.

Anya isa umanong malaking karangalan ang pagpili sa kanilang bayan para dausan ng SOPA ng mahal na gobernadora ng probinsiya.

Libung halaga ng cash natangay sa isang Taiwanese National, matapos na manakawan sa biyahe

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 17, 2015) ---Abot sa P20,000 na casha ng natangay sa isang Taiwanese National makaraang manakawan sa sinasakyan nitong pampasaherong van alas 10:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ng kabacan PNP ang biktima na isang Lin Qin Yao, 30 anyos, isang Taiwanese National at kasalukuyang nanunuluyan sa kanyang kaibigan sa bayan ng Carmen sa Lalawigan ng Bohol.

Kabacan PNP Traffic Division, pinaalalahanan ang mga motorista na bawal mag parada sa mga hindi designated parking areas

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 17, 2015) ---Muling nagpaalala ngayon ang Kabacan PNP Traffic Division sa lahat ng mga motorista sa bayan na huwag gumarahe sa mga hindi designated na parking areas lalo na sa gilid ng highway.

Ayon kay PO1 Amor Guillermo ng Kabacan PNP Traffic Divission sa panayam ng DXVL News, itoy matapos na araruhin ng isang Nissan Bonggo ang 7 mga trysikad at isang Honda Vios na nakaparada lamang sa National Highway partikular sa harap ng Superama sa Rizal Avenue, Brgy. Poblacion ng bayan ala 1:30 ng hapon noong sabado.

Naarestong lider ng JIM, dinala na sa Camp Crame

Huli ang isang pinaniniwalang 2nd highest leader ng Bangsamoro Islamic Freedom  Figthers o BIFF sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group,  Task Force Gensan kasama ang 6th military intelegence Battalion, mga kasapi ng 1002 brigade ng 10th MIB sa brgy. Kalumpang,General Santos City lingo ng gabi.

Sa panayam kay 6th ID DPAO Chief Captain Jo-Anne Petinglay na kinumpirma nito ang pagkakahuli sa sinasabing break-away group ng BIFF na Justice for Islamic Movement.

Kahulugan ng ‘Bangsamoro’ ipinaliwanag ng dating North Cotabato MILF Spokesperson

(Kabacan, North Cotabato/ March 16, 2015) ---Nagbigay ng paliwanag ang dating MILF spokesperson Jabib Guiabar hinggil sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng opisyal na ang ibig sabihin ng Bangsa ay nangangahulugan na lahi at hindi nation at ang ibig sabihin ng Moro ay isang tribu ng Islam.

Pagkuha ng bagong prangkisa ng mga motorista, hindi pa maari –ayon sa Kabacan Franchising Officer

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 16, 2015) ---Sinagot ni LGU Kabacan Franchising Regulatory Board Officer Joel Martin ang tanong hinggil sa pagbukas ng panibagong prangkisa na bumabiyahe sa loob ng University of Southern Mindanao.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Martin na hindi pa sila maaaring magbukas ng panibagong prangkisa sapagkat hinihintay pa kung maaaprubahan ng Sangguniang Bayan na magdagdag ng mga unit ng trysikel.

3 dedo sa road mishap

Rhoderick Beñez

Photo by: Benny Queman 
(Libungan, North Cotabato/ March 16, 2015) -– Tatlo-katao ang namatay habang dalawa naman ang sugatan sa naganap na road mishap sa Barangay Sina­wingan, bayan ng Libungan, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Insp. Jojet Nicolas, hepe ng Libu­ngan PNP ang mga namatay na sina Engr. Soriano Mastura, 24, kawani ng DSWD-ARMM na driver ng itim na Hilux pick-up truck; Dave Matala na nakaupo katabi ng driver’s seat na kapwa taga- Cotabato City; at si Sheila Gatoc, 27, ng Barangay Sinawingan. Sugatan naman sina Abdul Malik Ogokun at Adrian Dimatingcal na nakasakay sa likuran ng pick-up ni Mastura.

Land Conflict isa sa mga sinusundang motibo sa pagbaril patay sa miyembro ng MILF sa Matalam, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ March 14, 2015) ---Patay ang isang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa nangyaring pamamaril sa Sitio Malinan, Brgy. West Patadon, Matalam, Cotabato ala 1:30 nitong Biyernes.

 Ayon kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Samod Baraguil, 48-anyos, may asawa, magsasaka at miyembro ng MILF sa ilalim ni Hadji Mansur Imbong ng 5th Brigade, 108 Based command at residente ng nasabing lugar.