By: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ March 17,
2015) ---Muling nagpaalala ngayon ang Kabacan PNP Traffic Division sa lahat ng
mga motorista sa bayan na huwag gumarahe sa mga hindi designated na parking
areas lalo na sa gilid ng highway.
Ayon kay PO1 Amor Guillermo ng
Kabacan PNP Traffic Divission sa panayam ng DXVL News, itoy matapos na araruhin
ng isang Nissan Bonggo ang 7 mga trysikad at isang Honda Vios na nakaparada
lamang sa National Highway partikular sa harap ng Superama sa Rizal Avenue,
Brgy. Poblacion ng bayan ala 1:30 ng hapon noong sabado.
Lumalabas sa imbestigasyon na
binabaybay ng nasabing Nissan Bonggo na may plakang MDH 956 na minamaneho ng
isang Jorey Suelo, 24 anyos at residente ng Brgy. Magatos sa nasabing bayan ang
daan papuntang Brgy. Osias nang araruhin nito ang nakaparadang mga sasakyan.
Agad isinugod sa Kabacan Polymedic
Hospital ang dalawang nasugatan.
Sinagot naman umano ng may-ari ng
Nissan Bonggo ang mga gastusin ng mga nasugatan at napagkasunduang areglohin
nalang ito.
Binigyang diin ng opisyal na kung
sakali mang meroong mga sasakyan na mawawalan ng control sa daan ay ang
pinakaunang mahahagip ay ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng highway na
hindi naman umano designated parking areas.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento