Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libung halaga ng cash natangay sa isang Taiwanese National, matapos na manakawan sa biyahe

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 17, 2015) ---Abot sa P20,000 na casha ng natangay sa isang Taiwanese National makaraang manakawan sa sinasakyan nitong pampasaherong van alas 10:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ng kabacan PNP ang biktima na isang Lin Qin Yao, 30 anyos, isang Taiwanese National at kasalukuyang nanunuluyan sa kanyang kaibigan sa bayan ng Carmen sa Lalawigan ng Bohol.


Ayon sa report, natangay umano sa biktima ang kanyang handbag na naglalalman ng Samsung Camera, Samsung Cellphone at pitaka na may lamang Visa, Taiwan ID, ATM, cash na nagkakahalaga ng P11,000 at Taiwanese dollar na 8,500.

Lumalabas sa imbestigasyon na papunta umanong Cotabato City mula Kidapawan City ang biktima upang tingnan at bisitahin ang Grand Mosque.

Nakaidlip umano ang biktima at pagkagising nito ay wala na umano sa kanyang kamay ang kanyang handbag sa bahagi ng bayan ng Kabacan.

Sa hiwalay na panayam kay MSWD Officer Susan Macalipat, agad naman umanong binigyan ng tulong ang nasabing dayuhan ng LGU Kabacan para makabalik ito sa kanyang kaibigan na pansamantala nitong tinutuluyan dito sa ating bansa.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento