(Kabacan, North Cotabato/ March 18, 2015)
---Ilang mga bulubunduking baranggay sa bayan ng Kabacan apektado ng tagtuyot.
Ito ang inihayag ni Agricultural Technologist Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL
news.
Apektado umano ang mga baranggay na
natatamnan ng mais tulad ng baranggay Tamped, Simbuhay, Buluan, Pedtad, Nangaan
at Simone.
Dagdag din ni Nidoy na noong nakaraang
linggo ay nagkaroon ng monitoring at nagtatanim daw umano ang brgy Bangilan
ngunit may mga lugar na talagang apektado ng matinding tag tuyot.
Samantala, inihayag din niya na ang
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC at mga head
ng offices ay pupunta ng Davao ngayong araw upang magkaroon ng tatlong araw na contingency
planning workshop at inaaasahan na makakapagplano ng solusyon sa matinding tag tuyot.
Ipinaliwanag din ni Nidoy na mais ang
partikular na pananim na apektado ng tag tuyot at sa mababang lugar naman umano
tulad ng Lower Paatan ay nakatanggap na sila ng report na malaki na ang bitak
ng lupa na palatandaan na walang tubig.
Sinabi din ni Agricultural Technologist
Nidoy na maaaring sa susunod na linggo ay malalaman ang intervention na gagawin
ng LGU Kabacan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento