Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkuha ng bagong prangkisa ng mga motorista, hindi pa maari –ayon sa Kabacan Franchising Officer

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 16, 2015) ---Sinagot ni LGU Kabacan Franchising Regulatory Board Officer Joel Martin ang tanong hinggil sa pagbukas ng panibagong prangkisa na bumabiyahe sa loob ng University of Southern Mindanao.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Martin na hindi pa sila maaaring magbukas ng panibagong prangkisa sapagkat hinihintay pa kung maaaprubahan ng Sangguniang Bayan na magdagdag ng mga unit ng trysikel.

Aniya, di pa sila maaaring tumanggap ng panibagong aplikante hanggat di pa sila tapos sa renewal period ng mga trysikel driver na nagre-renew ng prangkisa.

Dagdag pa ni Martin na depende sa dami ng mga estudyante ng USM ang dami ng mga trysikel na bumabyahe sa loob ng pamantasan. Dapat umano ay may limit sapagkat maaaring lumiit ang kita ng mga trysikel driver kung masyado ng marami ang trysikel.

Samantala, inihayag din ng opisyal na nasa animnapung porsyento na ang nabigyan nila ng franchise na may sticker at bukas po sila tuwing Sabado mula alas otso hanggang alas singko ng hapon upang makapagbigay serbisyo sa mga kumukuha ng prangkisa. 

Sinisikap din nilang matapos ang pagbibigay ng prangkisa sa katapusan ng buwan ng Marso.

Ipinaliwanag din ng opisyal na ang ruta ng 1-A ay nasa walong porsyento na ang nakakuha ng prangkisa at kokonte pa lang umano ang mga nakakuha ng prangkisa sa mga trysikel na bumabyahe sa baryo tulad ng baranggay Banawag, Aringgay at Malanduage. 

Nanawagan din si Martin na magrenew na ang mga ito dahil pwede ng hulihin ang mga di nakapag renew pagkatapos ng Marso.


Sinabi rin ng opisyal na sa mga hindi nakapag renew ay maaaring makansela o marebook ang kanilang mga prangkisa.

Dagdag din niya na konte lang ang namamasada na kulorum at ang karamihan ay iyong mga hindi pa nakapagrenew ng prangkisa. Sinisikap din daw umano ng franchising board at ng TMU upang mahuli ang mga kulorum na trysikel.

Nagkakaroon din umano ng orientation seminar ang mga trysikel driver na binibigay ni TMU head Antonio Peralta. Inihayag din ni Martin na kung may reklamo sa mga driver ay huwag kalimutang kunin ang franchise number upang mabigyan ng solusyon at may kaukulang parusa.

Nakiusap din ang opisyal na kung sino man ang nagrereklamo hinggil sa mga trysikel driver ay magpakita din upang malaman din ang panig ng nagreklamo.


Nanawagan din si franchising regulatory board officer Joel Martin hanggang katapusan na lang ng Marso ang pagbibigay ng prangkisa at bukas ang kanilang opisina tuwing Sabado mula alas kwatro hanggang alas singko ng hapon upang mas mapadali ang pagbibigay ng serbisyo.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento