Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Culmination Program hinggil sa Womens Month sa bayan ng Kabacan, matagumpay na isinagawa

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 17, 2015) ---Naging matagumpay ang ginawang Culmination Program hinggil sa Womens Month Celebration na may temang "Juana, Desisyon Mo ay Mahalaga sa Kinabukasan ng Bawat Isa, Ikaw Na!” sa Kabacan Municipal Hall kahapon.

Ayon kay Kabacan MSWDOfficer Susan Macalipat sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng Tai bo kasama ang  ISPEAR ng USM at sumunod ang pagbisita sa Inmates ng BJMP kung saan ay nagbigay sila ng kaunting tulong sa mga ito.



Dagdag pa ng opisyal na sinundan ito ng maikling programa sa Municipal Gym na kung saan ay inalay sa lahat ng kababaihang Kabaceño na kung saan ay nagkaroon ng libreng gupit medical and dental mission, RBS na kung saan ay naging libre sa lahat ng kababaihan.


Naging tampok din ang pamimigay ng rosas sa mga ito at nagbigay rin ng mensahe ni Hon. Mayor Herlo Guzman Jr. sa nasabing aktibidad at naging resource speaker naman ang kanyang may bahay na si Mrs. Gelyn Guzman.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento