Huli ang isang pinaniniwalang 2nd
highest leader ng Bangsamoro Islamic Freedom
Figthers o BIFF sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and
Detection Group, Task Force Gensan
kasama ang 6th military intelegence Battalion, mga kasapi ng 1002 brigade ng
10th MIB sa brgy. Kalumpang,General Santos City lingo ng gabi.
Sa panayam kay 6th ID DPAO
Chief Captain Jo-Anne Petinglay na kinumpirma nito ang pagkakahuli sa
sinasabing break-away group ng BIFF na Justice for Islamic Movement.
Tumanggi munang magbigay ng anumang
pahayag si Petinglay kaugnay sa pagkakahuli sa suspek.
Naaresto si Mohamad Ali Tambako
kasama ang kanyang limang iba pang kasamahan na kinilalang sina Datukan Sato
Sadiwang, Ali Ludisman, Shaira Gayak, Abusama Omar at Ibrahim Kapina sa bisa ng
warrant of arrest na inihain ni Judge goerge Jabido ng RTC 15, Cotabato City.
Ayon sa report nakasakay sa
magkakaibang tricycle ang mga mabanggit na suspek papunta sanang Gensan seaport
nang maharang ito ng mga ototridad dahil na rin sa impormasyon ng ilang
residente at lokal na opisyal ng Maguindanao at sa tulong ng grupong MILF.
Nakuha mula sa kanila ang tatlong
granada at ibat ibang uri ng short firearms.
Nabatid na si Tambako at ang kanyang
grupo ay matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad na may kinakaharap na kasong
murder at frustrated murder.
Responsable rin si Tambako sa mga
ibat ibang karahasan sa Maguindanao, Cotabato City at North Cotabato.
Matatandang sangkot rin si Tambako sa
pandurukot sa ilang guro sa Midsayap North Cotabato, panghaharas ng ilang mga
magsasaka at panununog rin ng mga bahay doon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento