Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Operasyon ng isang pampublikong bangko sa bayan, na paralisa dahil sa power interruption


(Kabacan, North Cotabato/September 15, 2012) ---Isang araw na operasyon ng Land bank of the Philippines-Kabacan branch ang naparalisa kahapon matapos nag-aberya ang transformer ng linya ng Cotelco na pinagkukunan ng supply ng kuryente ng establisiemento.

Ayon sa pamunuan ng Land bank, bagama’t na off na nila ang lahat ng planka ng source ng kuryente nila, umiilaw pa rin umano sa loob ng nasabing opisina dahil sa grounded anglinya ng kuryente na likha ng low voltage.

Resulta ng Kaliline Festival 2012, inilabas; unilympics 2012, magtatapos na ngayong hapon


(USM, Kabacan, North Cotabato/September 15, 2012) ---Nakuha ng College of Business Development and economic Management o CBDEM ang kampeonato sa katatapos na Quiz bowl 2012 na ginanap sa CAS lobby, ng University of Southern Mindanao o USM, kahapon.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Kaliline Festival 2012 at nagpapatuloy na Unilympics sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Bantay kalamidad, sagip buhay; isinagawa sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/September 15, 2012) ---Abot sa humugit kumulang sa dalawang daang mga barangay personnel buhat sa 24 na mga bgry. Sa bayan ng Kabacan ang sumailalim sa Disaster Preparedness training na pormal ng nagtapos, kahapon ng hapon.

Ayon kay Kabacan Municipal Disaster risk Reduction Officer Dr. Cedric Mantawil, ang nasabing training ay pinamagatang “Bantay Kalamidad, Sagip Buhay”, isang programa ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na pinangangasiwaan ng Provincial DRRMC bilang tugon sa R.A. 10121 na paghahanda sa oras ng sakuna.

4Ps beneficiaries sa Aleosan, N. Cotabato nagtapos sa enterprise development training


(Aleosan, North Cotabato/September 14, 2012) ----Opisyal nang nagtapos ang animnapung binipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na dumalo sa dalawang araw na CDED o Community Driven Enterprise Development Training.

Ginanap ang nabanggit na pagsasanay sa Barangay Tomado, Aleosan.

Ayon kay DSWD XII Social Welfare Action Team Leader Abas Pikit, mapalad ang unang distrito ng North Cotabato dahil naglaan ng pondo ang gobyerno upang ipatupad ang Sustainable Livelihood Programs sa buong distrito.

Bangkay ng mag-ina, natagpuan sa isang ilog sa Banisilan, North Cotabato


(Banisilan, North Cotabato/September 14, 2012) ---Wala ng buhay nang matagpuan ang katawan mag-ina sa isang canal sa Sitio Sili, Barangay Busaon, sa bayan ng Banisilan, N Cotabato noong Hwebes.

Kinilala ni Senior Superintendent Roque Alcantara, provincial director ng North Cotabato Police ang mga biktima na sina Kabiba Apaw, 36-anyos at anak nitong si Salahuddin, 3 taong gulang, pawang residente ng nabanggit na lugar.

2 mga suspected drug courier na nabaril patay sa highway ng Kabacan, kinilala na


(Kabacan, North Cotabato/September 14, 2012) ---Tukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang mga suspected drug courier na nabaril patay sa highway ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang patay on the spot na si Bernabe Alvarez Amigo, 33-anyos, may asawa at dating kawani ng DOLE Banana Plantation na nakabase sa Bukidnon at residente ng Dangkagan, Bukidnon.

Mga nagpapatala sa Kabacan Comelec; dagsaan na


(Kabacan, North Cotabato/September 14, 2012) ---Dagsaan na ngayon ang mga nagpapatala sa Kabacan commission on election Office matapos na nagpalabas ng schedule of barangay registration ang nasabing tanggapan.

Sinabi ni Acting Election Officer Gideon Falcis na ang nasabing paghahanda nila ay bahagi na ng nalalapit na 2013 midterm elections.

Pagsugpo kontra illegal drugs at anumang kriminalidad sa North Cotabato; tinututukan ng bagong Cotabato Police Provincial Director


(Kabacan, North Cotabato/September 14, 2012) ---Pangunahin sa kanyang tinututukan ngayon bilang bagong Police Provincial Director ng North Cotabato ay ang pagsugpo kontra illegal na droga at anumang kriminalidad sa probinsiya.

Ito ang ipinahayag sa DXVL Radyo ng Bayan ni P/Senior Supt. Roque Alcantara kungsaan tinukoy pa nito ang bayan ng Kabacan na sinasabing kuta ng mga illegal traders na isa din sa nais niyang buwagin sa kanyang panunungkulan.

1 patay, 7 sugatan matapos maaksidente ang ang isang bus sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/September 14, 2012) ---Patay ang tindera habang pito ang sugatan matapos araruhin ng isang Weena Bus ang mga stall at waiting chair sa Public Terminal sa Matalam, Nort Cotabato, pasado ala una ng hapon, kahapon.

Kinilala ang namatay na si Marcelina Seloy, tindera sa terminal at residente ng Barangay Dangkagan, sa Bukidnon.

2 Katao arestado sa buy-bust operation sa Alamada, Cotabato


(Alamada, North Cotabato/September 13, 2012) ---Arestado ang dalawang kalalakihan matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga element ng PDEA-XII at Alamada PNP sa pamilihang bayan ng Alamada kahapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Bernard Buenavista, 30 years old, balot vendor at Charlie Reyno, 18, years old, estudyante at pawang mga residente ng naturang lugar. Nahuli ang dalawa sa magkasunod na operasyon ng mga otoridad sa Public Market ng Alamada na nasa Purok 7, Brgy. Kitacubong.

Unilympics at Kaliline Festival 2012 sa USM; magsisimula na

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2012) ---Pormal ng magsisimula bukas ang tatlong araw na Unilympics at Kaliline Festival 2012 sa University of Southern Mindanao na pangungunahan ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation o ISPEAR.

Sa isang kalatas na ipinadala ni ISPEAR Director Prof. Flora Mae Garcia sa DXVL News, apat na mga unit ang maglalaban-laban sa nasabing kompetisyon na binubuo ng bawat kolehiyo at institute.

Mga batang survivors sa lumubog na pump boat sa Brgy Tamped, sumailalalim sa debriefing: Aktwal na pangyayari sa trahedya, ikinuwento ng isa sa mga nakaligtas

(Kabacan, North Cotabato/September 12, 2012) ---Sumailalim sa dalawang araw na debriefing ang sampung mga batang survivors sa nangyaring  paglubog ng sinasakyang Bangka sa Tamped River noong nakaraang lingo, Setyembre a-5, 2012.

Ang debriefing ay nagsimula kamakalawa Setyembre a-10 hanggang kahapon Setyembre a-11, 2012, sa pamumuno ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWDO Officer Susan Macalipat at LGU Kabacan.

2 suspected drug courier; patay matapos manlaban sa isinagawang dragnet operation ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/September 12, 2012) ---Bulagta at naliligo sa sariling dugo ang isang tulak droga habang binawian na rin ng buhay sa USM hospital ang isa pang kasama nitong riding in tandem makaraang mabaril sa highway ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 5:00 kahapon ng hapon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad na pinamumunuan ni Supt. Leo Ajero, ang bagong hepe ng Kabacan PNP nabatid mula sa kanilang pinagkakatiwalaang source na may dalawang drug couriers buhat sa Pagalungan, Maguindanao ang dedespatsa sana ng shabu sa Kabacan.
Kaya sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 kasama ng mga elemento ng Kabacan PNP kanilang ikinasa ang dragnet operation kontra sa mga drug couriers at tinungo ang lugar.

Tourism officer ng Kidapawan City, ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong araw


(Kidapawan City/September 12, 2012) ---Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang binaril at napatay na Tourism Officer ng Kidapawan na si Marie Fe Geronga-Pame sa Cotabato Memorial Park, mamayang alas otso ng umaga.
       
Sinabi ni City Information Officer Psalmer Bernalte, kasama ang buong LGU Kidapawan sa paghatid sa pinaslang na opisyal at damayan ang mga naulila nito.

Aksidente sa daan sa Kidapawan City, nakakabahala na; 6 katao sugatan sa magkahiwalay na road accidents


(Kidapawan City/ September 12, 2012) ---Pinaalalahanan ngayon ng Kidapawan Traffic Division ang mga motorist sa lungsod na mag-ingat sa pagbiyahe sa daan, ito makaraang abot sa anim katao ang sugatan sa magkahiwalay na vehicular accident sa Kidapawan City, sa loob lamang ng dalawang araw.
        
Unang naitala ang aksidente sa barangay Sudapin, Kidapawan City, bandang alas syete ng gabi, kamakalawa kungsaan sangkot dito ang isang motoposh na motor na pag-aari ni Neil Bryan Maligang, 25-anyos ng Bautista Street ng lungsod at isang Honda Bravo na motor na minamaneho naman ni Gerald Garan, 20-anyos.

Pinsala sa pagbaha sa Malandag, Malungon umabot sa P7.1 M


(PIA-12, Koronadal City/September 11, 2012) ---Tinatayang  P7.1 milyon ang  naging pinsala    sa pagbaha  sa   mga barangay Malandag at Datal Tampal sa  Malungon, Sarangani  noong  Sabado  ng  gabi, batay  sa  ulat ng  Sarangani  Provincial  Information Office.

Sa Flood  Update   No. 5 ng  Sarangani PIO na inilabas alas 7 kagabi,  nilinaw  ni  Capt. William Roriguez, information  officer  ng  1002nd  Brigade ng  Philippine Army,  ang naturang   halaga  ay tumutukoy lamang  sa  pinsala sa 66  na bahay na  nawasak at  sa nasirang mga  kagamitan ng  may  74 na  pamilya.

Suspected drug courier; huli ng Midsayap PNP


(Midsayap, North Cotabato/September 10, 2012) ---Kulungan at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang isang 32-anyos na suspected drug courier makaraang mahuli sa Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato alas 5:50 ng hapon nitong Biyernes.

21st Philippine Statistic Quiz, USM level; isinagawa


(Kabacan, North Cotabato/September 10, 2012) ---Nakuha ng College of Veterinary Medicine sa katauhan ni Camilo Moncada ang kampeonato sa katatapos na 21st Philippine statistics Quiz, USM level na isinagawa sa CAS lobby ng kolehiyo nitong Biyernes.

Ayon kay University Mathematics Adviser Jonel Palubon, abot sa mahigit sa isang daang mga mag-aaral ng USM ang sumailalim sa elimination round na isinagawa nitong September 5, hanggang sa 20 na lang ang natira para sa final round.

MOA signing hinggil sa responsableng pagmimina, lalagdaan sa Mindanao


(USM, Kabacan, North Cotabato/September 10, 2012) ---Nakatakdang lalagdaan ang Memorandum of Agreement kasabay ng ilulunsad na S&T Program for Responsible Mining sa Mindanao na gaganapin ngayong Setyembre a-13, 2012 sa Butuan City.

Ayon kay USM Co-project leader Estrella dela Cruz, Department chair ng Chemistry department, layon ng nasabing programa na makabuo ng siyentipikong pag-aaral sa tulong ng alternatibong teknolohiya para masuportahan ang kapaki-pakinabang at angkop na pagmimina sa kapaligiran ng di nasisira ang kalikasan sa bahaging ito ng Mindanao.

Sunod-sunod na patayan sa North Cotabato, kinondina ng isang kongresista


(Kidapawan City/September 8, 2012) ---Kinondina ni Agham Partylist Representative Angelo Palmones ang sunod-sunod na kaso ng pamamaslang sa North Cotabao.
      
Ayon kay Palmones na nakababahala na ang mga pagpatay sa mga kilalang personalidad gayundin sa hanay ng mga ordinaryong tao sa Kidapawan City at maging sa ibang bahagi ng lalawigan.
      
Unang kinundina ni Palmones ang pagpaslang kay Eddie Jesus Apostol, na dating konsehal sa bayan ng Magpet.

Road opening ipinatupad sa Alamada at Libungan; Kalsada sa Pigcawayan, sementado na


(Midsayap, North Cotabato/September 8, 2012) ---Sementado na ang kalsada sa Barangay Poblacion 3, Pigcawayan sa Lalawigan ng North Cotabato. Ito ang nakasaad sa isinumiteng August 2012 status of project report ng Department of Public Works and Highways o DPWH Second Engineering District Office.

Matatandaang sinimulang gawin ang nasabing kalsada noong Mayo ng taong kasalukuyan. Abot sa P2 Milyon ang inilaang pondo para sa nabanggit na proyekto.

P18 M Farm-to-Market Roads Development Program, ipapatupad ng DA 12 sa North Cotabato 1st District


(September 8, 2012/September 8, 2012) ---Inihayag ni Engr. Jerry Pieldad na benipisyaryo ng abot sa P18 Milyon Farm-to-Market Roads Development Program ang distrito uno ng North Cotabato.

Kabilang rito ang Concreting of Barangay Agriculture FMR, Barangay Poblacion 7 to Upper Glad I FMR, at Barangay Villarica FMR, Midsayap; at Barangay Batulawan FMR, Pikit, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.