Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagsugpo kontra illegal drugs at anumang kriminalidad sa North Cotabato; tinututukan ng bagong Cotabato Police Provincial Director


(Kabacan, North Cotabato/September 14, 2012) ---Pangunahin sa kanyang tinututukan ngayon bilang bagong Police Provincial Director ng North Cotabato ay ang pagsugpo kontra illegal na droga at anumang kriminalidad sa probinsiya.

Ito ang ipinahayag sa DXVL Radyo ng Bayan ni P/Senior Supt. Roque Alcantara kungsaan tinukoy pa nito ang bayan ng Kabacan na sinasabing kuta ng mga illegal traders na isa din sa nais niyang buwagin sa kanyang panunungkulan.

Bukod dito, nagpalabas na rin ng deriktiba ang opisyal sa mga chief of police nito na paiigtingin ang drug solutions at intelligence gathering upang masawata ang anumang kriminalidad sa probinsiya.

Aniya, talamak din umano sa probinsiya ang motorcycle theft.

Kaugnay nito, panawagan pa rin ni Alcantara sa mga mamamayan na makipag-ugnayan sa pulisya oras na may mga kriminalidad silang nalalaman.

Aminado ang opisyal na hindi nila kayang sugpuin ang krimininalidad kung walang kooperasyon mula sa mga komunidad. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento