(Kabacan,
North Cotabato/September 15, 2012) ---Isang araw na operasyon ng Land bank of
the Philippines-Kabacan branch ang naparalisa kahapon matapos nag-aberya ang
transformer ng linya ng Cotelco na pinagkukunan ng supply ng kuryente ng
establisiemento.
Ayon sa
pamunuan ng Land bank, bagama’t na off na nila ang lahat ng planka ng source ng
kuryente nila, umiilaw pa rin umano sa loob ng nasabing opisina dahil sa grounded
anglinya ng kuryente na likha ng low voltage.
Pangamba
nila na baka masira ang mga pasilidad sa loob ng nasabing tanggapan dahil sa
natagalan umanong ayusin ng cotelco ang nasabing linya.
Nasira din
maging ang kanilang generator set dahilan kung bakit maraming mga transaksiyon
sa nabanggit na bangko ang hindi na serbisyuhan ngayong araw.
Kabilang na
ditto ang ATM machine ng bangko, bukod pa sa hindi rin available ang ATM
Machine ng land bank sa loob ng USM
compound, partikular na sa admin building nitong mga nakaraang araw.
Agad namang
tinungo ngayong hapon ng electrical ng team ng cotelco ang erya para ayusin ang
nasabing transformer.
Paliwanag
naman ni Cotelco district board Director Samuel Dapon na natagalan umanong
ayusin ng cotelco ang nasabing reklamo, ito dahil sa kidapawan pa binili ang mga
piyasa para maayos ito. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento