(Banisilan, North
Cotabato/September 14, 2012) ---Wala ng buhay nang matagpuan ang katawan
mag-ina sa isang canal sa Sitio Sili, Barangay Busaon, sa bayan ng Banisilan, N
Cotabato noong Hwebes.
Kinilala ni Senior
Superintendent Roque Alcantara, provincial director ng North Cotabato Police
ang mga biktima na sina Kabiba Apaw, 36-anyos at anak nitong si Salahuddin, 3
taong gulang, pawang residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report, isang
Nano Pidong, 27-anyos ang nakakita sa mga bangkay habang ito ay naglalaba sa
canal.
Sa imbestigasyon ng mga
pulis, maaaring hinampas ng matigas na bagay ang mga biktima na nagresulta ng
kanilang kamatayan.
Hanggang sa ngayon, inaalam pa rin ng mga
awtoridad kung sino ang nasa likod ng krimen.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento