Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Unilympics at Kaliline Festival 2012 sa USM; magsisimula na

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2012) ---Pormal ng magsisimula bukas ang tatlong araw na Unilympics at Kaliline Festival 2012 sa University of Southern Mindanao na pangungunahan ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation o ISPEAR.


Sa isang kalatas na ipinadala ni ISPEAR Director Prof. Flora Mae Garcia sa DXVL News, apat na mga unit ang maglalaban-laban sa nasabing kompetisyon na binubuo ng bawat kolehiyo at institute.

Ang Unit 1 ay binubuo ng: College of Agriculture, College of Human Ecology and Food Sciences, college of Health and Sciences at College of Veterinary Medicine.

Ang College of Arts and Sciences, College of Business Development and Economic Management at Institute of Sports, Physical Education and Recreation ang bunubuo naman sa Unit 2.

Habang sa Unit 3 naman ang College of Education, College of Engineering and computing at Institute of Middle East and Asian Studies at sa Unit 4 ang College of Industrial Technology.

Iba’t-ibang mga sports event ang paglalabanan sa nasabing Unilympics kagaya ng badminton, Baseball, basketball, lawn tennis, Soccer, Volleyball, swimming at iba pa.

Habang sa Kaliline Festival naman ay itatampok ang Pagsusulat ng Sanaysay, Essay writing, Dagli-ang talumpati, Extemporaneous speech, pagkukwento, story telling, Quiz bowl habang sa musical naman ang vocal solo, vocal duet, instrumental playing, hip-hop dance at ibibida din ang on-the-spot painting at charcoal rendering.

Bubuksan ang nasabing aktibidad bukas sa pamamagitan ng isang parade.
Tema ng nasabing aktibidad: “Socio-Cultural and Sports Discipline: Key to a New World Order of Peace and Development”. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento