(Kabacan, North
Cotabato/September 12, 2012) ---Sumailalim sa dalawang araw na debriefing ang
sampung mga batang survivors sa nangyaring paglubog ng sinasakyang Bangka
sa Tamped River noong nakaraang lingo, Setyembre a-5, 2012.
Ang debriefing ay
nagsimula kamakalawa Setyembre a-10 hanggang kahapon Setyembre a-11, 2012, sa
pamumuno ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWDO
Officer Susan Macalipat at LGU Kabacan.
Bilang bahagi ng
debriefing, ang mga batang survivors ay ipinagshopping sa Superama Superstore
ng mga gamit mula ulo hanggang paa at ipinasyal sa ibat ibang lugar dito sa
bayan tulad na lamang ng pagbisita ng mga ito sa nangungunang radio station sa
Kabacan, ang DXVL Radyo ng Bayan Kool 94.9 FM.
Samantala, ikinuwento naman ng isa sa mga survivors sa
panayam ng DXVL news ang aktuwal na pangyayari sa trahedya.
Ayon kay Abdulkadil
Panigel, ang itinuturing na “hero” sa trahedya dahil sa pagsagip sa kanyang mga
kapatid at guro, silang lahat ay kinabahan nang unti-unting lumulubog ang
sinasakyang Bangka.
Dagdag pa ng batang
bayani, isinakay niya sa uling ang mga bata at guro sa sako ng
uling at unti unting dinala sa gilid ng ilog.
Tinig ni Abdulkadil, isa
sa mga batang nakaligtas sa lumubog na Bangka.
Nagpapasalamat naman ang
Prinsipal ng Tamped Elementary School na si Sonia S. Porcadilla sa tulong na
ipinaabot sa kanila ng Provincial Government of North Cotabato sa pamumuno ni
Governor Lala Talino Mendoza, LGU Kabacan na pinamumunuan ni Mayor George B.
Tan, MSWDO-Kabacan, Kabacan PNP at ilan pang mga rescuers sa nangyaring
trahedya. (Brex Nicolas)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento