Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Siksikan sa huling araw ng CoC filing sa iba’t ibang election offices sa North Cotabato inaasahan na – ayon sa Comelec; ABC Pres nag-file ng kanyang COC sa pagka-alkalde ng bayan ng Kabacan

(October 5, 2012) ---Hanggang kahapon, matumal pa rin ang pag-file ng mga certificate of candidacy o CoC sa iba’t ibang mga election offices sa North Cotabato.
     
Sa Makilala, ta-tatlo pa lang ang nagpa-file ng kanilang CoC sa pagka-konsehal.   Lahat sila independent candidates.
     
Sa Kidapawan City, tatlo nang mga kandidato sa pagka-alkalde ang nag-submit ng kanilang CoC.
     
Una rito si Manuel Adajar, sumunod si Joseph Evangelista ng Liberal Party, at Engr. Ernido Gantuangco bilang independent candidate.

Kongresista hinikayat ang mga magsasaka na i-avail ang Sikat Saka program

(Midsayap, North Cotabato/ October 5, 2012) ---Sa ginanap na konsultasyon kamakailan sa mga miyembro ng MPLK (Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Kabuntalan) Federation of Irrigators Association, hinikayat ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang mga magsasaka na mag- avail sa Sikat Saka Loan program ng gobyerno.

Ayon sa opisyal, isa itong pagkakataon na mabigyan ng opurtunidad ang mga irrigators upang magkaroon ng dagdag tulong pinansyal sa kanilang pagsasaka, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Motorsiklo, ninakaw sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ October 5, 2012) ---Isa na namang panibagong insedente ng nakawan ng motorsiklo ang naitala ng Kabacan PNP.

Kinilala ang biktima na si Arnold Magbanua Porras, 30 ng brgy Malamote may ari ng XRM 125 Honda na may plate number 6872 MM.

Comelec Kabacan wala pang may naitalang kakandidato sa pagka-alkalde sa bayan


(Kabacan, North Cotabato/ October 5, 2012) ---Hanggang ngayon ay wala pang nag file ng Certificate of Candidacy sa pagka-alkalde ng bayan ng Kabacan.

Ito ang napag-alaman kahapon ng hapon kay Acting election Officer Gideon Falcis kungsaan, aasahan na nila ang pag-dagsa pa ng mga kandidato na mag-fifile ng kanilang Coc’s sa iba’t-ibang posisyon ngayong araw.

Cotelco nagpalabas ng panibagong load curtailment


(Kabacan, North Cotabato/October 5, 2012) ---Muling nagpalabas ngayon ng panibagong schedule sa load curtailment ang Cotabato Electric Cooperative o cotelco.

Batay sa kalatas na ipinalabas ni cotelco OIC General Manager Godofredo Homez, may 2.4 megawatts na bawas sa supply ng kuryente sa kooperatiba na nangangahulugan ng  15 minutong power interruption sa mga service erya nila.

Konsultasyon sa mga komunidad isasagawa bago pirmahan ang final peace agreement- Cong. Sacdalan


(Midsayap, North Cotabato/ October 5, 2012) ---Muling kokonsultahin ang mga mamamayan bago lagdaan ang final peace agreement na pinapanday ngayon sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Ito ang naging pahayag ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan sa harap ng humigit kumulang 300 mga magsasaka sa ginanap na pagpululong ng mga irrigators association sa Midsayap noong ika-2 ng Oktubre.

National Union of Journalist of the Philippines nagsumite na ng e-petition hinggil sa pagtutol sa Cybercrime Law ; media practitioners at taumbayan hinikayat na tutukan ang pagtugon ng Supreme Court rito


(Kidapawan city/ October 4, 2012) ---Isinumite na ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP ang e-petition nila sa Supreme Court bandang ala una ng hapon, kahapon.
       
Ito ang sinabi ni NUJP General Secretary Rowena Paraan, ito aniya ang kauna-unahang ‘e-petition’ na isusumite sa Korte Suprema.
       
Nakapaloob sa ‘e-petition’ ang pagpigil sa pagpapatupad ng Cybercrime Prevention Act o mas kilala sa tawag na Republic Act 10175.

Negosyante at sekretarya na dinukot sa North Cotabato hawak parin ng mga kidnaper


(Libungan, North Cotabato/ October 4, 2012) ---Mas pinaigting ngayon ng pulisya at 40th Infantry Battalion Philippine Army ang rescue operation sa negosyante at sekretarya nito na dinukot ng sampung mga armadong kalalakihan sa Libungan,North Cotabato.

Ayun kay Cotabato PNP Provincial Director SSupt Roque Alcantara na hawak pa rin ngayon ng mga kidnaper sina Alma Cuan Datuwata,may-ari ng Petron Gasoline Station sa bayan ng Libungan at Sekretarya nito na si Cristabel Jorolan.

Suspek sa pagbaril patay sa 17-anyos na dalagita, sumuko; kasong isasampa kontra sa kanya, inihahanda na


(Kabacan, North Cotabato/ October 4, 2012) ---Sumuko ang dalawang suspek na reponsable sa pamamaril patay sa isang 17-anyos na dalagita sa Sinamar 1, Poblacion, Kabacan nitong Martes ng hapon.

Ayon kay P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP boluntaryong sumuko sina Rodel Tagura, 27-anyos, binata at itinuturong responsible sa pamamaril habang kasama nito ang driver na si Rickson Tagura, 34na residente ng Matalam, Cotabato.

COMELEC offices sa ilang bayan sa North Cotabato, unti-unti ng dinadagsa; COMELEC Matalam at Carmen, wala pa ring naitalang kakandidato

(Kidapawan city/October 4, 2012) ---Unti-unti nang dinadagsa ang ilang Commission on Election o COMELEC offices sa ilang bayan sa North Cotabato.
       
Sa bayan ng Magpet, nagsampa na ng Certificate of Candidacy o COC sina Rodolfo Anib at Florentino Villasor para sa pagka-alkalde.
       
Tatakbo naman bilang bise-mayor si Roldan Pelonio at incumbent Mayor Efren Pinol.

IVCF Campus Ministry, magsasagawa ng Leadership training sa mga estudyante

(Kabacan, North Cotabato/ October 4, 2012) ---Sasailalim ang ilang mga estudyante ng University of Southern Mindanao na kasapi ng Inter-Varsity Christian Fellowship o IVCF sa isang linggong leadership at discipleship camp.

Ayon kay Kabacan IVCF adviser Estrella dela Cruz, gagawin ang nasabing aktibidad sa Mt. Carmel, Kinuskusan, Bansalan, Davao del sur sa Oktubre a-22 hanggang sa 29, 2012.

Ipinamahaging CFLs bawal ibenta, maaring papalitan kung depektibo


(Midsayap, North Cotabato/ October 3, 2012) ---Nakasaad sa kasunduan ng DOE o Department of Energy at ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan na puspusang ipaliwanag sa mga benipisyaryo na ang Compact Fluorescent Lamps o CFLs na natanggap ay “not for sale”.

Ito rin ang paulit- ulit na ipinaliliwanag ng project personnel na nangangasiwa sa distribusyon ng mga ilaw.

Negosyante, dinukot sa Libungan, North Cotabato kagabi


(Libungan, North Cotabato/October 3, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang man-hunt operation ng mga otoridad sa pagdukot ng negosyante sa bayan ng Libungan alas 6:15 kagabi.

Ayon sa report, dinukot ang biktima na nakilalang si Annie Datuwata kasama ang secretary nito ng mga di pa nakilalang mga abductors at pinasakay sa isang sasakyan.

17-anyos na dalagita, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato; driver ng Weena, patay din sa magkahiwalay sa shooting incident

(Kabacan, North Cotabato/ October 3, 2012) ---Patay ang isang 17-anyos na dalagita makaraang barilin ng mismong pinsan nito sa Sinamar 1, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:25 kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP ang biktima na si Lorna Tagura, dalaga, OSY at residente ng nabanggit na lugar.

Ang biktima ay binaril ng kanyang mismong pinsan na nakilalang si Nonoy Tagura gamit ang di pa matukoy na uri ng baril.

18 katao na akusado sa paglabag sa RA 9165, pinawalng sala ng hukuman


(Kabacan, North Cotabato/ October 2, 2012) ---Sunod-sunod na pinawalang sala ni Judge Laureano Alzate ng Regional trial court, Branch 22, Kabacan, Cotabato ang mga akusado sa diumano’y paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dahil sa hindi pagtupad sa Chain of Custody at ang ilang mga akusado ay pinawalang sala ng hukuman dahil sa illegal arrest.

Tulunan, ginulantang ng malakas na pagsabog kagabi

(Tulunan, North Cotabato/October 2, 2012) ---Tensyunado ngayon ang isang barangay sa bayan ng tulunan, makaraang ginulantang ng malakas na pagsabog alas 7:45 kagabi.

Ang nasabing roadside bombing ay nangyari sa Purok 5, brgy. Popoyon ng nabanggit na bayan.

6-anyos na babae, patay dahil sa Dengue sa Makilala, North Cotabato


(Makilala, North Cotabato/October 2, 2012) ---Binawian na ng buhay ang isang sais-anyos na babae, ang isa sa apat na tinamaan ng sakit sa Dengue sa bayan ng Makilala, N Cot.
        
Itinuturong dahilan ng pagkalat ng sakit ang nakabarang tubig sa kanal sa barangay Kisante sa bayan.
        
Aminado si Kapitan Danilo Dante ng nabanggit na barangay na matagal nang dinadaing ng mga residente doon ang naturang baradong kanal.

DOH 12, isinusulong ang pagpapatayo ng Social Hygienic Clinic sa Kidapawan city


Isinusulong ng Department of Health (DOH) dito sa Rehiyon Dose ang pagbubukas ng isang Social Hygiene Clinic na pakikinabangan ng mga taong positibo sa Human Immuno Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). 

Ayon kay Dr. Ali Tumama, medical specialist ng DOH 12, malaki ang maitutulong ng isang Social Hygiene Clinic na nakatakdang itayo sa Lungsod ng Kidapawan. 

USM Outstanding alumni 2012, pinarangalan; leadership achievement awardees, iginawad sa mga nakaraang OIC’s at Presidente ng USM


(USM, Kabacan, North Cotabato/October 2, 2012) ---Pinarangalan kahapon ang pitong mga outstanding alumni ng University of Southern Mindanao sa taong ito.

Ang parangal ay ibinigay ng pamantasan sa mga nagging alumni nito na nagging matagumpay sa kani-kanilang larangan at nagdala ng malaking pagkilala sa USM.

Ika-60th Founding Anniversary ng USM, naging matagumpay; Cotabato Gov. Mendoza, panuhing pandangal

(USM, Kabacan, North Cotabato/October 2, 2012) ---Naging mapayapa at maayos sa kabuuan ang pagdiriwang ng ika-60 taong anibersaryo ng University of Southern Mindanao o USM na pormal na nagtapos ang iba’t-ibang mga aktibidad kagabi.

Isinagawa ang grand closing sa USM Quadrangle kasabay ng fireworks display kagabi bilang pagtatapos ng Pasiklaban 2012.

Pero bago ang nasabing aktibidad, maaga pa kahapon ay isinagawa ang isang Floral Offering sa bantayog ng Founder ng USM na si Hadja Bai Matabai Plang sa loob ng USM Main Campus.

1st day ng Filing ng COC sa Kabacan Comelec Kabacan, nilangaw


(Kabacan, North Cotabato/October 1, 2012) ---Bagama’t marami na ang kumukuha ng mga Certificate of Candidacy o COC sa tanggapan ng commission on election sa bayan ng Kabacan, tila nilalangaw pa rin ang unang araw ng filing dito
Ito ang nabatid ng DXVL News ngayong hapon sa panayam kay Acting election Officer Gedion Falcis.
Aniya, isang kakandidato sa pagka konsehal sa bayan ang unang nagsumite ng COC sa kanilang tanggapan ngayong araw.