Isinagawa ang grand closing sa USM
Quadrangle kasabay ng fireworks display kagabi bilang pagtatapos ng Pasiklaban
2012.
Pero bago ang nasabing aktibidad, maaga pa
kahapon ay isinagawa ang isang Floral Offering sa bantayog ng Founder ng USM na
si Hadja Bai Matabai Plang sa loob ng USM Main Campus.
Kasunod nito ang 60th Diamond
Anniversary program ng USM kungsaan si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño
Mendoza ang panauhing tagapagsalita.
Sa kanyang mensahe, naniniwala ang opisyal
na sa pamamagitan ng edukasyon ay may pantay-pantay na oportunidad ang bawat
isa.
Si Mendoza ay ginawaran ng Pamantasan ng
mataas na educational attainment na Ph.D., na Honoris Causa.
Pinangunahan naman ni USM Pres Dr. Jess
Antonio Derije ang nasabing aktibidad, na aniya, hindi madali ang trabaho ng
isang pangulo ng pamantasan lalo na sa usaping maiangat ang four fold function
ng USM, particular na dito ang instruction.
Una na ring sinabi ng pangulo na may
inilatag na siyang labin limang taong long term plan sa USM makaraang binuo ang
special committee hinggil dito.
Binigyang diin din ng opisyal ang sinabi ng
dating pangulo ng USM na si Dr. Kundo E Pahm kaugnay sa professionalism sa
bawat kawani nito na siya ring isinusulong ng Presidente sa kanyang
kasalukuyang liderato.
Tema ng 60th Diamond Anniversary
ng Pamantasan ay: USM @ 60 & Beyond: reminiscing. Celebrating, Empowering.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento