Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Konsultasyon sa mga komunidad isasagawa bago pirmahan ang final peace agreement- Cong. Sacdalan


(Midsayap, North Cotabato/ October 5, 2012) ---Muling kokonsultahin ang mga mamamayan bago lagdaan ang final peace agreement na pinapanday ngayon sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Ito ang naging pahayag ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan sa harap ng humigit kumulang 300 mga magsasaka sa ginanap na pagpululong ng mga irrigators association sa Midsayap noong ika-2 ng Oktubre.

Si Cong. Sacdalan ay isa sa mga itinalagang observers ng ginaganap na GPH- MILF peace talks.

Ayon sa opisyal, ang 10 decision points na pinag-uusapan ngayon ng dalawang peace panels ay muling ibababa sa mga komunidad bago opisyal na lagdaan ang final peace agreement.

Hiniling din ni Sacdalan sa iba’t- ibang sektor na suportahan at bigyan ng pagkakataon ang usaping pangkapayapaan.

Hindi na rin umano dapat muling maulit ang nangyari noon sa MOA-AD.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang MOA-AD dahil sa hindi nagkaroon ng puspusang konsultasyon kaugnay ng nilalaman nito.

Sa huli ay nagdesisyon ang Korte Suprema “unconstitutional” ang MOA-AD. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento