Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Illegal logging activities sa isang brgy sa North Cotabato, talamak; kampanya kontra dito mas pina-igting ng otoridad


(Kabacan, North Cotabato/July 6, 2012) ---Sariwa pa ang ilang mga pinutol na kahoy ng datnan ng mga otoridad ang pinaniniwalaang adopted watershed area ng Kabacan Water District sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato kahapon ng tanghali.

Ang illegal logging activities sa lugar ay nagiging talamak na makaraang nakakalbo na ang lugar dahil sa mga sindikatong gupo na gumagawa nito, na ayon sa report ay mga residente ng kalapit na brgy. ng Pisan kagaya ng brgy. Buluan, ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya.

Bangkay ng 16-anyos na binatilyo na kasamang pinaslang sa Datu Montawal, Maguindanao; narekober na

(Datu Montawal, Maguindanao/July 6, 2012) ---Narekober na ang bangkay ng isang 16-anyos na lalaki na pinaniniwalaang kasamang pinaslang ng kanyang ina sa Datu Montawal, Maguindanao.

Batay sa hiwalay na ulat ng otoridad, nito pang alas 5:00 ng hapon ng Martes unang natagpuan ang bangkay ni Jun-jun Abid residente ng Sitio Bliss, Katidtuan, Kabacan, Cotabato sa African Palm tree plantation sa pag-mamay-ari ng pamilya Montawal.

2 katao na humihithit ng shabu, tiklo ng Kabacan PNP; bahay ng isang pinaniniwalaang big time supplier ng illegal drugs sa Kabacan, ni-raid ng otoridad

(Kabacan, North Cotabato/July 6, 2012) ---Arestado ang dalawa katao makaraang mahuli ng mga elemento ng Kabacan PNP na humihithit ng illegal na droga na pinaniniwalaang shabu sa loob ng kwarto sa isang residential house sa Roxas St., Poblacion, Kabacan alas 10:22 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Mark Abu Adman, 38, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. Malatunol, Palimbang, Sultan Kudarat at ang isa pang kasama nitong nagpa-pot session na si Janeth delos Santos Baltazar, 19, may asawa, GRO at residente ng Roxas St., pobalcion ng bayang ito.

Peace and development dialogue, isinagawa sa North Cotabato 1st District

(Midsayap, North Cotabato/July 6, 2012) ---Pinangunahan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang dalawang araw na peace and development dialogue na isinagawa sa CJNS Kapayaapaan Hall, Midsayap, Cotabato.

Dinaluhan ito ng mga barangay leaders at municipal officials mula sa mga bayan ng Pigcawayan, Libungan at Midsayap.

Buwan ng Nutrisyon inilunsad sa Midsayap, N. Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/July 6, 2012) ---Abot sa higit isang libong mga kabataan mula sa pampubliko at pribadong paralan sa elementarya at high schools ang aktibong dumalo sa launching ng national nutrition month sa Midsayap, North Cotabato kamakalawa.

Kaugnay ng temang “pagkain ng gulay ugaliin, araw- araw itong ihain”, naghanda  ng mga activities ang municipal nutrition committee para sa month- long celebration tulad ng nutri quiz, poster making, at sports events.

USM at North Cotabato Province, pinasalamatan ni Agham Partylist Congressman Palmones sa patuloy na pananaliksik sa BT Talong

APR: Angelo Palmones
(USM, Kabacan, North Cotabato/July 4, 2012) Bagama’t hindi pa tapos ang isinasagawang field trial ng BT Talong dito University of Southern Mindanao, agad na nagpa-abot ng kanyang pagbati si Agham Partylist Representative Angelo Palmones sa pamunuan ng USM at sa provincial government ng North Cotabato hinggil sa pananaliksik na ito.
BT Talong Site

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isinagawang Study Visit and Seminar on the Safe and Sustainable Agriculture through Biotechnology kamakailan sa BT Site sa loob ng Pamantasan.

USM, may bago ng Vice President for Resource Generation and Entrepreneurial Services

(USM, Kabacan, North Cotabato/July 4, 2012) ---Itinalaga kahapon ng tanghali ni USM Pres. Dr. Jess Derije bilang bagong Vice President for Resource Generation and Entrepreneurial Services si Dr. Francisco Gil “Iko” Garcia.

Si Dr. Garcia ay pormal ng uupo sa nasabing posisyon ngayong araw matapos na matanggap nito ang appointment kahapon kasabay ng nagpapatuloy na in-house Review sa pamantasan.

(BREAKING NEWS) Bangkay ng Babaeng ginahasa bago pinatay, putol ang kamay at wala ng suso; narekober sa ilog ng Rio Grande sa Montawal, Maguindanao

(Datu Montawal, Maguindanao/July 4, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad sa pagkakarekober ng bangkay ng isang babae sa ilog ng Rio Grande de Mindanao sa Sitio Bialong, Brgy. Bulod, Pagalungan, Datu Montawal, Maguindanao alas 10:00 kagabi.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng tropa ni Lt. Aries dela Cuadra ng 7th IB, Philippine Army, kinilala ang biktima na si Kungan Abid, 51 taong gulang resident eng Sitio Bliss, Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Buhawi nanalasa sa 2 mga brgy. sa bayan ng Antipas, North Cotabato

(Antipas, North Cotabato/July 2, 2012) ---Abot sa P2.5M ang iniwang danyos makaraang manalasa sa dalawang mga brgy. ng Antipas, North Cotabato ang malakas na buhawi 7:45 ng umaga nitong Sabado.

Ayon kay PCI Felix Fornan, chief of police ng Antipas PNP wala naman umanong may nasawi sa nasabing insedente.

Sinabi ng opisyal na malawak na ektarya ng mga sakahang lupa ng mga magsasaka sa mga brgy ng Canaan at Camutan ang sinira ng nasabing buhawi.

“No sticker, No entry” sa mga tricycle na bumibiyahe sa loob ng USM, simula ngayong araw; USM may bagong ambulansiya

(Kabacan, North Cotabato/July 2, 2012) ---Matapos ang isang buwang ultimatum na ibinigay ng pamunuan ng USM Security Services and Management sa lahat ng mga tricycle driver’s and operator na bumibiyahe sa loob ng Pamantasan.

In-house Review ng CED-USM, tugon para mapataas ang passing rate ng Pamantasan sa LET

(Kabacan, North Cotabato/June 2, 2012) ---Plano ng College of Education ng University of Southern Mindanao na isagawa ang in-house review sa mga graduating students ng kolehiyo para matiyak na ang lahat ng kukuha ng Licensure Examination for Teachers ay dadaan sa masusing review, ito para mapataas ng passing rate ng Pamantasan sa LET.

Pero sa kabila nito, tutol ang ilang mga opisyal at miyembro ng National Union of Students of the Philippines o NUSP sa plano ng Pamantasan dahil sa di dumaan sa nasabing konsultasyon ang naturang plano, ayon kay NUSP-Cotabato Chapter Regine Luz Aprosta.

4 na mga tulak droga; arestado sa magkahiwalay na operasyon ng otoridad sa Carmen at Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 2, 2012) ---Timbog ng otoridad ang apat katao na sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga sa magkahiwalay na operasyon nila sa bayan ng Kabacan at Carmen, North Cotabato.

Alas 3:00 ng hapon nitong Huwebes, huli ang tatlo sa Poblacion, Carmen na kinilala ni PCI Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP na sina Reynaldo Libag Doctollero, 36, may asawa; Roden Encarnacion Quiao, 21, walang asawa at Ronito Lasagas Acharon , 29 lahat ay residente ng Mantawil St., Pobalcion, Kabacan, Cotabato.