Naglaan ng 1.5 milyon ang Department of Health para sa Rural Health Unit ng Kabacan sa ilalim ng kanilang programang Health Facility Enhancement program.
Ang halagang ito ay gagamitin para sa pagpapa-ayos ng Kbacan )RHU) upang mas mapapaganda ang naturang tanggapan.
Layon din bnitong mas mapapadali ang service delivery, scaled birth attendance facility at upang masiguro ang mas ligtas na serbisyo.
Ito rin ay mas inaayos upang mabawasan ang maternal and infant mortality.
Kaugnay dito, mayroon ding isang milyong halaga na nakalaan para sa mga equipment ng naturang tanggapan.
Ang naturang halaga ay nakalaan uapng ibili ng mga kagamitan o mga apparatus, para mas mapapadali ang mga gagawing operasyon.
Ayon kay RHU Dr. Sofronio Edu Jr., nagpapasalamat sya sa naturang halaga at nagpapasalamat din sya sa tulong ng Sangguniang Bayan.
Kaugnay dito, naglaan narin ng 500,000 ang LGU kabacan, para sa pagpapa-ayos ng Senior Citizen Office, para sa mas maganda at m,aayos na tanggapan para sa mga senior citizen ng bayan.