Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Plantasyon ng saging sa Matalam, N Cotabato hinarangan ng mga landowner; banana firm umangal

(Matalam, North Cotabato/January 28, 2012) ---Naglagay ng barikada sa daan ang mga landowners sa may Sitio Imelda, Barangay New Alimodian sa bayan ng Matalam, North Cotabato para hindi makapasok sa kanilang lupa ang mga trabahante ng Sumifru Corporation, isa sa pinakamalaking banana firm sa Central Mindanao, kamakalawa ng hapon.

Ayaw na kasi’ng payagan ng mga landowners makapag-harvest ng mga tanim na saging ang Sumifru

Noon pang January 24 ipinadala ng abogado ng mga Brizuela ang sulat na naglalaman ng ‘Notice of Termination’ sa pinirmahan nila’ng lease contract sa Sumifru.
          
Ayon sa administrative officer ng Sumifru sa North Cotabato na si Eric Tubo, , tanging ang korte lamang ang makakapag-pasya kung kailangang i-terminate na ang kontrata.   Mangyayari lamang ito kapag idinulog sa korte ang isyu.
          
Sa ngayon, wala pang kaso na naisasampa sa alinmang korte sa North Cotabato kaya’t ‘di raw makatuwiran na akusahan sila ng mga landowners ng ‘breach of contract.’

0 comments:

Mag-post ng isang Komento