Written by: Rhoderick BeƱez
Inirerekomenda ngayon ni market Supervisor Edne Palamero sa Sangguniang bayan ang paglalagay ng market guards sa pamilihang bayan ng Kabacan.
Ito para maging matiwasay at maibsan ang pagkabuhol-buhol ng daloy ng trapiko sa pangunahing kalye ng public market lalo na sa tuwing peak hours sa umaga at hapon kungsaan dagsaan ang mga mamimili.
Sinabi pa ni Palamero, na dahil sa siksikan ng mga trysicab ay di na makakapasok ang mga malalaking sasakyan kagaya ng fish carrier na kinukuhanan ng supply ng paninda ng mga negosyante.
Umaasa naman ang opisyal na maging positibo ang tugon ng SB dito para na rin sa kaayusan ng palengke.
Giit pa nito na dapat sa 4th lane lamang dadaan ang mga trisikel at trisicab at maging ng mga slow moving vehicle habang sa center lane naman ang mga fast moving vehicle.
Kung matatandaan, planu ngayon ng LGU Kabacan sa pamumuno ni Kabacan Mayor George Tan ang pagtatayo ng bagong Public Terminal na siyang priority project ng pamahalaang lokal ngayong taon na mas pinalaki at mas pinagandang Pamilihang Bayan ng Kabacan. (with report from Lesly Grace Cabelles)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento