Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, sugatan sa nangyaring pang-haharass sa isang brgy sa Carmen, North Cotabato

Written by: Rhoderick BeƱez

(Carmen, North Cotabato/January 24, 2012) ---Sugatan ang isang magsasaka makaraang atakehin ng mga di pa nakilalang mga armadong grupo ang mga elemento ng CAFGU at ng CVO sa Sitio Marang, Brgy. Tonganon, Carmen, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Carmen PNP sa pamumuno ni Carmen P/chief Ins Jordine Maribojo ang biktima na si Yusoph Parao Akmad, nasa tamang edad, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar, na nagtamo ng sugat sa tiyan mula sa di pa malamang uri ng armas.

Mabilis namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kamag-anak sa pinakamalapit na bahay-pagamutan para mabigyan ng lunas.

Naging tensiyonado naman ang lugar matapos mangyari ang pang-haharass ayon sa mga residente.
Agad namang ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Carmen PNP sailalaim ni P03 Russell Bernardo at ng 7IB ang ocular investigation sa nasabing barangay.

Kaugnay nito dahil sa pangyayari, agad na nagpatawag ng diyalogo noong Sabado ang punong ehekutibo ng bayan na si Mayor Rogelio TaliƱo, kasama si P/chief Ins Jordine Maribojo ng Carmen PNP, Lt. Col. Benjamin Hao kasama ang ilang mga konsehal ng bayan para alamin ang totoong pangyayari sa brgy. Tonganon.

Isinagawa ang dalawang magkahiwalay na dayalogo, una sa presensiya ng brgy. Officials at ang ikalawa naman ay sa pagitan ng MILF commander na si Karim Sagadan.

Kapwa pinagsabihan ang dalawang grupo na wag ng magsagawa ng anumang resbak sa mga armadong grupo na sumalakay sa kanilang lugar datapwa’t ay alamin muna ang pinag-ugatan ng nasabing problema. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento