Written by: Jara Dominique Llemit
Pinaghahandaan ng Institute of Sports Physical Education and Recreation ang papalapit na State Colleges and Universities Association o SCUA.
Gaganapin ito sa Ilo-ilo City sa darating na Pebrero a-19 hanggang a-25 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Sports Chairman ng ISPEAR Malony Martinez, ang nasabing kompetisyon aabot umano sa mahigit 90, ang mga kwalipikadong atleta at ang 70% na bilang nito ay mula dito sa pamantasan.
Dagdag pa nito, binase ang mga kwalipikadong mga atleta batay sa kanilang performance noong nakaraang intramurals.
Kabilang sa mga larong lalahukan ay ang lawn tennis, table tennis, soft ball,volley ball, taekwondo, chess, baseball, basketball, swimming, boxing at athletics.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento