Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Civic project ng DXVL FM, naging matagumpay!

(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2014) ---Naging matagumpay ang dalawang magkahiwalay na proyektong panlipunan ng DXVL FM 94.9 Radyo ng Bayan sa tulong ng mga tagasuporta na tagapakinig at mga sponsors ng himpilan.

Ito ang “Dugo ko Alay sa Kakoolitan ko” isang Bloodletting activity kungsaan nakalikom ang National Red Cross ng abot sa 62,100cc ng dugo o katumbas ng 62.10 litro na isinagawa sa DXVL Grounds kahapon.

Samantala, daan-daan naman ang dumalo sa isinagawang Fun Run for a Cause na “Takbo para sa Batang Kabakenyo” na dinaluhan ng iba’t-ibang grupo, organisasyon, indibidwal kasama na ang mga nasa gobyerno, hanay ng kapulisan at sundalo at iba pang sektor.

Trisikel drayber, tinaga sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 18, 2014) ---Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na lalaki sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Nasrula Mandato, 32-anyos, isang trisikel drayber at residente ng Pagagawan, Maguindanao.

2 katao kalaboso sa pagdadala ng baril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang mahuli ng mga elemento ng Kabacan PNP sa isinagawang operation sita at kapkap bakal sa Rizal Avenue, National Highway, Kabacan, Cotabato alas 4:30 ng madaling araw kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Abdulgapor Ampatuan Manambuay, 29-anyos, may asawa at magsasaka at ang kasama nitong si Edgar Mamasabulod, 31-anyos kapwa residente ng brgy. Simbuhay ng bayang ito.

Computer lietracy program isinusulong sa bayan ng Mlang

Written by: Williamore Magbanua

(Mlang, North Cotabato/ July 19, 2014) ---Abot sa 1382 na mga kababaihan ang nagtapos sa anim na buwang computer literacy program ng LGU Mlang simula nang buksan ito nitong taong 2008.

Maliban sa mga kababaihan, may mahigit 200 mga out of school youth at 20 mga anak ng 4P’s beneficiaries din ang nagtapos sa programa.

Bangkay ng babae, natagpuang tadtad ng bala sa Sultan Kudarat

(President Quirino, Sultan Kudarat / July 19, 2014) ---Tadtad ng bala ng matagpuan ang bangkay ng isang babae na nakahandusay at wala ng buhay sa gilid ng daan sa Barangay Tual, President Quirino, Sultan Kudarat pasado alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Ayon kay Police Inspector Reynaldo Bobon, deputy chief of police ng President Quirino PNP na isang magsasaka ang nakakita ng nasabing bangkay sa madamong bahagi.

Cafgu nagbaril sa sarili

(Midsayap, North Cotabato/ July 18, 2014) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 41-anyos na miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang magbaril sa sarili sa compound ng military detachment sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa. 

Kinilala ang biktima na si Tirso Fontillas Perdido ng Barangay Gayonga, Northern Kabuntalan, Maguindanao.

Planning Officer ng Maguindanao, patay sa pamamaril!

(Cotabato City/ July 18, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Planning Officer ng Maguindanao sa nangyaring krimen sa bahagi ng Sinsuat Avenue, Cotabato city pasado alas 4:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Cotabato City Police Director Col Rolen Balquin ang biktima na si Engr. Sadat Pandalat, 48 anyos residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Bagong ATM Machine, binuksan na sa Mlang, North Cotabato

Written by: Williamore Magbanua

(Mlang, North Cotabato/ July 18, 2014) ---Binuksan na ang ATM machine ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa lobby ng munisipyo ng bayan ng Mlang nitong umaga nang Huwebes.

Mismong si Mlang Mayor Joselito Pinol ang una-unang nagsagawa ng transaksiyon sa nasabing makina sa pamamagitan nang isang simpleng programa na dinaluhan nang mga empleyado, academe at business sectors.

Daan-daan sumali sa katatapos na Takbo para sa Batang Kabakenyo

(Kabacan, North Cotabato/ July 17, 2014) ---Daan-daang mga tagasuporta ng DXVL FM ang lumahok sa katatapos na fun run for a cause na isinagawa kaninang madaling araw na pinamagatang “Takbo para sa Batang Kabakenyo”.

Inikot ng mga partisipante ang pangunahing kalye ng Poblacion Kabacan, mula sa starting line nito sa DXVL tower papunta ng USM Avenue tuloy-tuloy hanggang Municipal Hall kaninang umaga pabalik gamit ang rutang papuntang Aringay at papasok sa USM Motorpool at pabalik na sa may DXVL tower.

62, 100cc ng dugo nalikom sa katatapos na Bloodletting Activity ng DXVL FM

(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2014) ---Naging matagumpay ang kauna-unahang Bloodletting activity ng DXVL Radyo ng Bayan na painamagatang “Dugo Ko Alay sa Kakoolitan Ko” bilang bahagi ng Pagdiriwang ng ika-walong taong anibersaryo ng himpilan.

Batay sa datos ng National Red Cross Cotabato City Chapter nakalikom ng abot sa 62, 100cc ng dugo ang nasabing bloodletting activity kanina na isinagawa sa DXVL Ground, USM Compound, Kabacan, Cotabato.

Nabatid na abot sa 62.10 litro ng dugo ang naipon o katumbas ng abot sa 15.53 gallons ng dugo ang nalikom sa kabuuan sa katatapos na bloodletting activity ng istasyon.

Ang tagumpay na civic project ng himpilan ay alay sa lahat ng mga Kakoolitan at mga tagapakinig sa buong suporta na inialay ng mga ito sa DXVL FM.

Mga PWD’s ng Kabacan makikiisa sa NDPR week na pangungunahan ng PSWDO

(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2014) ---Abot sa mahigit sa 25 mga Persons with disabilities mula dito sa bayan ng Kabacan ang maki-isa sa gagawing National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week sa Amas, Kidapawan sa July 24.

Ayon kay Kabacan PWD’s Focal Person Rhoda Anne Laguardia na may iba’t-ibang mga programa at pakulong inihanda ang Provincial Social Welfare and Development Office para sa nasabing aktibidad.

Bloodletting Activity ng DXVL Radyo ng Bayan, gagawin na bukas

(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2014) ---Gagawin na bukas ang bloodletting activity ng DXVL Radyo ng Bayan na pinamagatang Dugo ko Alay sa KaKoolitan ko na isasagawa sa DXVL grounds, malapit lamang sa DXVL Broadcast Tower, USM Compound, Kabacan, Cotabato.

Sa panayam kay Philippine National Red Cross Cotabato City Chapter Board of Director Benny Queman na handa na rin ang kanyang medical staff para sa nasabing aktibidad.

Nabatid mula kay Queman na may maganda epekto sa katawan ng isang tao ang palagiang pagdodonate ng dugo.

Daan-daang mga residente sa Kidapawan City at Matalam nakinabang sa medical-dental outreach ng IPHO

(Amas, Kidapawan City/ July 14, 2014) ---Daan-daang mga indibidwal mula sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City at Brgy. Latagan, Matalam, Cotabato ang nabigyan ng libreng medical checkup, tooth extraction at circumcision sa magkasunod na medical-dental outreach ng Integrated Provincial Health Office o IPHO noong July 3 at July 10, 2014.

Ayon kay IPHO Head Dr. Eva C. Rabaya,  abot sa 581 ang sumailalim sa checkup, 145 ang nabunutan ng ngipin at 65 na mga batang lalaki ang tinuli sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City.

Mga bagong Board of Directors ng Cotelco nanumpa na sa isinagawang Annual General Membership Assembly

(Tulunan, North Cotabato/ July 14, 2014) ---Pormal ng nanumpa ang mga bagong halal na board of Directors ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco sa isinagawang Annual General Membership Assembly sa Tulunan, North Cotabato kahapon.

Ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez dalawa ang newly elected board habang isa naman ang re-elected board of director sa katauhan nina Board of Director Merca Bao-ay ng Kabacan District, Engr. Reny Benito ng Mlang District at Alfonso Jack Sandique ng Makilala District.

45 na mga magsasaka sa Arakan, Cotabato nabiyayaan ng mga kalabaw at baka mula sa OPVET

Written by: Jimmy Santa Cruz

(Amas, Kidapawan city/ July 14, 2014) ---Abot sa 45 mga farmer-beneficiaries mula sa iba’t-ibang barangay ng Arakan, Cotabato ang tumanggap ng mga kalabaw at baka mula sa Office of the Provincial Veterinarian o OPVET noong July 1, 2014.

Ginanap ang distribusyon ng naturang mga farm animals sa Arakan Municipal Gym kung saan ipinamahagi ang abot sa 17 heifer cows o babaeng baka at 28 cara-heifers o babaeng kalabaw  sa 45 na mga magsasaka.

3 patay sa madugong Vehicular Accident sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/ July 14, 2014) ---Dead on the spot ang tatlong mga kalalakihan makaraang suwagin ng isang rumaragasang behikulo ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang pauwi na galing sa pakikipaglamay sa burol ng namatay nilang kaibigan sa bayan ng Aleosan, North Cotabato alas 12:45 ng madaling araw nitong Sabado.

Sa ulat ng Cotabato Police Provincial Office kinilala ang mga biktima na sina Noli Capulong, Delmer Vios at Delvert Vios mga residente sa bayan ng Midsayap.

Banana Plantation sa Tulunan, North Cotabato; sinalakay ng mga armadong grupo; 1 patay sa nasabing pag-atake

(Tulunan, North Cotabato/ July 14, 2014) ---Hinarass ng mga armadong grupo ang Dilinanas Banana Plantation  sa Brgy. Dungos, Tulunan, North Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Sa report ni PSI Ronnie Cordero ang nasabing pag-atake ay pinangunahan ni Kumander Linguna Sultan, Kumander Brodie at Sukarno Sultan na mga pinaniniwalaang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF kungsaan sinalakay ng mag ito ang SWAT Security Agency ng Delinanas Plantation.