(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2014) ---Naging
matagumpay ang kauna-unahang Bloodletting activity ng DXVL Radyo ng Bayan na
painamagatang “Dugo Ko Alay sa Kakoolitan Ko” bilang bahagi ng Pagdiriwang ng
ika-walong taong anibersaryo ng himpilan.
Batay sa datos ng National Red Cross Cotabato
City Chapter nakalikom ng abot sa 62, 100cc ng dugo ang nasabing bloodletting
activity kanina na isinagawa sa DXVL Ground, USM Compound, Kabacan, Cotabato.
Nabatid na abot sa 62.10 litro ng dugo ang
naipon o katumbas ng abot sa 15.53 gallons ng dugo ang nalikom sa kabuuan sa
katatapos na bloodletting activity ng istasyon.
Ang tagumpay na civic project ng himpilan ay
alay sa lahat ng mga Kakoolitan at mga tagapakinig sa buong suporta na inialay
ng mga ito sa DXVL FM.
Nais ding pasalamatan ng pamunuan ng DXVL FM
ang Medical team ng Philippine National Red Cross Kidapawan at Cotabato city
Chapter, College of Health and Sciences sa tulong ng mga Volunteer Nursing
Students ng USM na pinangunahan ni Head Nurse Rowena Abondo, Department of
Development Communication na pinamumunuan ni DevCom Chair Althea Garcia, devcom
Students at iba pa.
Samantala, nakatanggap naman ng refreshment
at T-shirt mula sa MX3 ang unang 50 mga successful donor sa nasabing aktibidad.
Nakapagtala ng abot sa 138 successful donor
ng dugo ang nasabing bloodletting activity kungsaan abot sa mahigit sa 300 ang
mga nagpatala subalit may ilan namang di nakapasa sa nasabing screening at
medical check-up.
Maliban sa indibidwal, may ilan ding mga
grupo at organisasyon ang kasali sa nasabing “Dugo Ko alay sa Kakoolitan Ko”
kasama na dito ang Cotabato Police Provincial Office, mga Municipal Police
Station ng Pigcawayan, President Roxas at Kabacan PNP, PPSC USM compact, AFP,
7IB, 6th ID na pinamumunuan ni 1st Lt. DanRey Nieves,
RPSB 12 Manuever Company na pinamumunuan ni PSI Raymond Sarmogenes.
Bukod sa nabanggit nakiisa din sa nasabing
bloodletting activity ng DXVL FM ang Alpha Phi Omega, TRIMMOC, AKRHO,
GAMMAKINS, alpha Sigma Phi, SAVERS CLUB, Rodeo Club Philippines USM chapter,
Demolay-Rio Grande Chapter, Tau Gamma Phi, USMECCO, Peer Facilitator, mga
taga-Brgy. Aringay, MENRO-Kabacan at maraming iba pa.
Ang tagumpay ng civic project na ito ay handog
ng DXVL FM bilang bahagi ng 8 years of Public Service and Quality
entertainment.
Kabilang sa tumataguyod ng programang ito
ang mga major at minor sponsor ng himpilan ang Provincial Government ng North
Cotabato sa pamumuno ni Cot. Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza, LGU Kabacan
Mayor Herlo Guzman Jr., Councilor Reyman Saldivar, Councilor Herlo Guzman Sr.,
Kapitan Mike Remulta ng Poblacion, Cotelco, Kabacan Water District, Ariben Cool
Herbal Soap, MX3 capsule and tea na ipinamamahagi ng DMI Medical Supply at
Gelyn’s Glass and aluminum Supply at Gelyn’s Tarpaulin and Printing Services. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento