(Amas, Kidapawan City/ July 14, 2014) ---Daan-daang
mga indibidwal mula sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City at Brgy. Latagan,
Matalam, Cotabato ang nabigyan ng libreng medical checkup, tooth extraction at
circumcision sa magkasunod na medical-dental outreach ng Integrated Provincial
Health Office o IPHO noong July 3 at July 10, 2014.
Ayon kay IPHO Head Dr. Eva C. Rabaya, abot sa 581 ang sumailalim sa checkup, 145
ang nabunutan ng ngipin at 65 na mga batang lalaki ang tinuli sa Brgy.
Ilomavis, Kidapawan City.
Sa Brgy. Latagan, Matalam naman ay 510 ang
sumailalim sa checkup, 105 nabunutan ng ngipin at 40 na mga batang lalaki ang
tinuli.
Lahat ito libre at bahagi ng “Serbisyong
Totoo” ng Provincial Government of Cotabato, ayon pa kay Dr. Rabaya.
Binubuo naman ng mga doctors at dentist mula
sa IPHO at ilang mga Rural Health Units ang team na bumisita sa Kidapawan City
at Matalam municipality.
Ito ay sina Dr. Joel V. Sungcad ng Arakan
Valley District Hospital sa Antipas, Dr. Alex Cabrera ng President Roxas
Community Hospital, Dr. Sabino Marasigan ng Fr. Tulio favali Community Hospital
ng Tulunan, Dr. Chedita Briones ng M’lang District Hospital sa M’lang,
Kasama rin sa team sina Dr. Jerry F. Barredo,
Dr. Editha Cagoco, Dr. Divina Alimbuyao, Dr. Cita Villagonzalo at Dr.
Evangeline B. Embalzado.
Nagpasalamat naman ang mga chairman ng Brgy.
Ilomavis at Brgy. Latagan na sina Jenn T. Policarpio at Jessie C. Horbedalla sa
serbisyong ipinagkaloob sa kanila ng Provincial Government of Cotabato.
Ito raw ang isa sa mga pinakamahalagang
serbisyo publiko na kailangan ng kanilang mga nasasakupan na karamihan ay hindi
na halos makapagpa-konsulta sa doktor. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento