(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2014) ---Naging
matagumpay ang dalawang magkahiwalay na proyektong panlipunan ng DXVL FM 94.9
Radyo ng Bayan sa tulong ng mga tagasuporta na tagapakinig at mga sponsors ng
himpilan.
Ito ang “Dugo ko Alay sa Kakoolitan ko” isang
Bloodletting activity kungsaan nakalikom ang National Red Cross ng abot sa
62,100cc ng dugo o katumbas ng 62.10 litro na isinagawa sa DXVL Grounds
kahapon.
Samantala, daan-daan naman ang dumalo sa
isinagawang Fun Run for a Cause na “Takbo para sa Batang Kabakenyo” na
dinaluhan ng iba’t-ibang grupo, organisasyon, indibidwal kasama na ang mga nasa
gobyerno, hanay ng kapulisan at sundalo at iba pang sektor.
Samantala, nakuha naman ni Joebert Maluyo
ang kampeonato sa Fun run kungsaan siya ang unang dumating sa finish line bago
mag alas 7:00 kaninang umaga.
Sumunod sa kanya si Gilbert Maluyo na
itinanghal na 1st Runner Up habang si Gilber Masibay naman ang 2nd
Runner Up kungsaan lahat nakatanggap ng gift items mula sa DXVL at ilang mga
souvenir sa ika-walong taong anibersaryo.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng
DXVL FM sa lahat ng mga suporta at tulong sa matagumpay ng dalawang proyekto at
sa mainit na tugon ng mga tagapakinig sa panawagan ng DXVL na suportahan ang
Bloodletting activity at ang Fun run for a cause.
Umaasa ang himpilan n asana ay suportahan pa
rin ito ng taong bayan sa susunod pang taon at mas mahigpit na pagsasamahan pa
ang hangad ng himpilang ito sa bawat tagapakinig ng istasyon.
Dahil dito ang tagumpay ng ika-walong taong anibersaryo na panlipunang proyekto ay alay ng himpilan sa inyu na aming mga suking tagapakinig. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento