Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


ANTIQUE TRADER MULA SA MAYNILA DINUKOT SA MAGUINDANAO, DALAWANG SUSPEK HULI!

Patuloy ngayon ang inilunsad na manhunt laban sa grupo ng mga dumukot sa isang antique appraiser na buhat sa mandaluyong city matapos itong sapilitang dalhin habang tinututukan ng baril ng mga armadong kalalakihan sa Datu Odin sinsuat, Maguindanao kahapon.
Ayon kay P/Insp. Lendsy Sinsuat, hepe ng Datu Odin Sinsuat, mag-aalas tres ng hapon ng makatanggap sila ng report mula sa isang negosyanteng Maguindanaoan na dinukot ang kasosyo nitong si dominador Mendoza berdin, 52 at isang Antique appraiser.
Nangyari ang insedente sa isang resort-lodging house ilang metro lamang ang layo mula sa istasyon ng pulisya, ayon sa report ni GMA news stringer Ferdinand Cabrera.
Agad namang ikinasa ang pagresponse ng mga pulis sa erya patungong hillside resort sa Tamontaka dos, Datu Odin, Sinsuat at inabutan pa nila ang dalawang suspek na ka-transaksiyon ng biktima na nakilalang sina Norodin Malik Andil at Ryan Usman.
Doon na at nahuli ng mga otoridad ang mga suspek at nakuha mula sa posisyon ni Usman ang calibre .45 na pistol. Mabilis namang umiskapo ang mga kasamahan ng suspek sakay ng isang elf na truck na may plate number USL-905 patungo sa direksiyon ng Brgy. Capiton ng nabanggit na lugar, kungsaan isang get away pumpboat ang naghihintay patungong Liguasan Marsh.
Nang makapanayam ang mga suspek na nahuli, itinanggi umano nitong kasabwat sila sa kidnapping at sinabi pa nitong di raw sila magkakilala.
Napunta lamang sila sa lugar upang samahan ang negosyante sa kanilang transaksiyon sa pamimili ng ginto.                                                                                                                                                                Agad namang isinailalaim sa tactical interrogation ang dalawang suspek habang inihahanda ang kasong kanilang kakaharapin. (Rhoderick Benez)

Tagalog news: Mag-aaral, mga empleyado sa USM pinaalalahan wag mag panic sa kumakalat na ‘text bomb scare ‘

KORONADAL CITY, Nob 10 (PIA) -- Pinaalalahan ni P/Supt Joseph Semillano ang mga mag-aaral, guro at empleyado ng University of Southern Mindanao na huwag patulan ang kumakalat na mga text message na umano’y target ng pambobomba ng masasamang elemento ang state university.


Nanawagan din si Semillano na huwag nang ikalat pa ang matatanggap na kaparehong text message upang huwag nang magdulot pa ang panic o matinding takot sa kumunidad, lalung lalo na sa libu-libong mag-aaral at empleyedo ng USM.

Matatandaang isang improvised explosive device (IED) ang sumabog mga dalawang daang metro lang sa labas ng main gate ng USM bandang alas – ocho ng gabi noong Martes, kasabay nito ang isa pang bomba na hindi sumabog.

Police on full alert following bomb explosion, recovery of IEDs in Central Mindanao

by Dani Doguiles and Rhoderick Beñez


KORONADAL CITY, Nov 10 (PIA) -- Director Felicisimo Khu of the Directorate for Integrated Police Operations – Western Mindanao (DIP0-WS) today confirmed police have been placed on full alert in possible target areas in the Region 12 following the explosion of an improvised explosive device (IED) and recovery of five others in two separate municipalities in the past two days.


“All provincial police directors of targeted areas in the region have been directed to enhance their alert status with this renewed EID threats,” Khu said in an interview with a local radio station in Koronadal City this morning.


Khu identified the possible targets of bombing as the municipalities of Midsayap, Carmen, and Kabacan and the city of Kidapawan in North Cotabato; Cotabato City, Isulan and Tacurong City in Sultan Kudarat; Koronadal in South Cotabato, and General Santos City. Read more


DXVL (The Morning News)
November 11, 2011

MILF: hinamon ang mga otoridad na alamin ang marka ng pambobomba na naganap sa Kabacan, Cotabato

Kasabay ng pagkumpirma sa DXVL – Radyo ng Bayan ni Moro Islamic Liberation Front o MILF spokesperson Von Alhaq na walang kinalaman ang MILF sa nangyaring pagsabog ng IED sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, hinamon din nito ang mga otoridad na alamin ang marka ng paggawa ng Improvised Explosives Device kungsaang military arsenal ito galing.

Sa magkahiwalay na impormasyong nakalap ng DXVL mula sa report ni PIA 12 Information Officer Danilo Doguiles sinabi ni Director  Felicisimo  Khu ng  Directorate  for  Integrated Police Operations – Western Mindanao, maaring  gawa  umano ang mga  naturang EID  ng  grupo ni Abdul Basit Usman.  Subalit  nilinaw ni Khu na kanila pang kinukumpirma ang naturang  intelligence  report.

Kaugnay nito, bagama’t   dati nang nakaalerto ang   kapulisan sa  Rehiyon  Dose,  mas pina-igting pa ngayon ang  pagiging  alerto ng mga  otoridad  bunsod  ng  pagsabog  ng isang  bomba at  pagkarekober  ng  anim pa nitong  nakaraang  dalawang  araw.

Giit ni Khu na  mas hinihigpitan nila  ngayon ang  seguridad  lalung lalo na sa mga   lugar na una nang  tinukoy na  target  ng pambobomba.

Kabilang  sa  mga  ito ang  mga  bayan ng  Midsayap, Carmen, at Kabacan at lungsod ng   Kidapawan  sa  North Cotabato; Cotabato City, Isulan at  Tacurong  City  sa  Sultan Kudarat;  Koronadal City sa  South Cotabato, at    General Santos City.

Nagpasalamat  naman  si  Khu sa  mga  residente ng  Kabacan at  Isulan na  agad  nakipag-ugnayan sa mga  otoridad  sa pagkakadiskubre ng  mga  IED  dahilan para mapigilan ang maaring  pinsalang maidudulot  ng  mga  bomba  sakaling  sumabog ang mga ito. (Rhoderick Benez\RB ng Bayan)



DXVL (The Morning News)
November 11, 2011

P4M danyos sa nangyaring sunog sa Public Market ng Banga, South Cotabato

Abot sa mahigit kumulang sa apat na milyon (P4M) ang danyos sa nangyaring sunog sa pamilihang bayan ng Banga, South Cotabato dakong 1:00 ng madaling araw kahapon.

Natupok ng apoy ang gulayan, bigasan at grocery section ng nasabing public market kungsaan posible umanong faulty wiring ang sanhi.

Mahigit naman sa isang oras na inapula ng mga kagawad ng pamatay apoy ang nasabing sunog.

Wala namang may naiulat na namatay o nasugatan sa nasabing sunog na tuluyan namang naapula ng mga bumbero.(Rhodz Benez)

DXVL (The Morning News)
November 11, 2011

Business as usual sa bayan ng Kabacan pagkatapos yanigin ng tatlong mga pagsabog

Normal at business as usual ang bayan ng Kabacan, isa sa mga patuloy na umuunlad at progresibong bayan sa probinsiya ng North Cotabato, pagkatapos yanigin ng sunud-sunod na mga pagsabog noong Martes at Miyerkules.

Ito ayon kay P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP kungsaan tuloy ang negosyo, eskwela, at iba pang gawain sa bayan ilang oras makaraang ideklara ng mga awtoridad na lahat na ng mga bombang itinanim sa lugar ay ‘all accounted for’ na.

Pero aminado ang transport sector na malaki ang epekto ng mga pambobomba sa kanilang negosyo.

Ayon sa isang dispatcher ng pampasaherong van sa Kabacan Overland Terminal Complex, bumaba ng halos 40 porsiento ang dami ng mga pasahero na bumibyahe pabalik ng kanilang mga bayan dahil sa takot o pangamba na baka may mga pagsabog na namang mangyayari.
      
Sa terminal, mahigpit ang baggage check na ginagawa ng security personnel sa lahat ng mga pasaherong sasakay ng bus o van.
      
Madalas ang mga bomba ay inilalagay sa mga backpack, karton, o iba pang mga gamit at kabilang sa mga target ng pambobomba ay mga terminal at iba pang mga pampublikong lugar.

Simula noong Martes, limang mga improvised explosive device o IED ang itinanim sa iba’t ibang bahagi ng Kabacan.   Isa rito ang sumabog; dalawa pinasabog ng mga bomb experts; at ang dalawang iba pa na ‘di sumabog makaraang mag-malfunction ang mga wiring nito ay nasa custody ng Explosives and Ordnance Disposal Team ng Philippine Army sa North Cotabato.