Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Engineer, pinagbabaril patay sa Pres. Roxas, NCot

(Pres. Roxas, North Cotabato/ September 4, 2015) ---Patay ang isang engineer makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga suspek sa bahagi ng Brgy. Illustre sa bayan ng Pres. Roxas, North Cotabato alas 5:40 kanina.

Kinilala ni PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ang biktima na si Engr. Nilo Centos nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Santo Nino sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo buhat sa Kidapawan City pauwi na sa kanilang bahay sa Arakan at pagsapit sa nasabing lugar ay pinagbabaril ito.

Pamamaril sa isang negosyante sa bayan ng Matalam, patuloy na iniimbestigahan

(Matalam, North Cotabato/ September 2, 2015) ---Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng riding tandem sa Purok Santol, brgy.Central Malamote, Matalam North Cotabato pasado alas singko ng hapon kamakalawa.

Kinilala ni PCI Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Junas Dayangco, 35 anyos, na residente sa Purok 8, Barangay Inas, M’lang.

Pagsaksak patay sa isang lalaki sa Kabacan, patuloy na iniimbestigahan

(Kabacan, North Cotabato/ September 2, 2015) --- Patuloy ang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa pagkamatay ng lalaking biktima ng pananaksak sa isang sakahan na nasa Purok National Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 8:30 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero hepe ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Vergilio Narvas Jr. nasa hustong gulang at residente ng Malvar St. ng nabanggit na bayan.

Paniningil ng maraming bayarin sa mga estudyante ng isang pampublikong paaralan sa Kabacan, inireklamo; DepEd Supt., nagpaliwanag

(Kabacan, North Cotabato/ September 2, 2015) ---Ipinaliwanag ni Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas ang reklamo ng isang magulang hinggil sa mga binabayaran nilang mga contributions at ilan pang mga school fees sa USM Annex Central Elementary School.

Ito matapos na dumulog sa DXVL ang isang magulang upang ireklamo ang umano’y napakaraming binabayaran nila sa nasabing paaralan.

Sa panayam ng DXVL news sa naturang magulang, inihayag nitong marami ang mga sinisinggil sa kanila tulad ng bayad umano sa janitor, pagpipintura, pagpapaayos ng cabinet at kisame maliban sa pagbabayad ng PTA fee na 185 pesos.

Drought Season, pinaghahandaan na ng Provincial Government of North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ September 2, 2015) ---Nakatakdang simulan ng Provincial Government of NCot ang Cloud Seeding sa buwan ng Setyembre ngayong taon.

Ayon kay Gov.Lala Talino Mendoza, ito ay bilang paghahanda sa paparating na drought season.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isinagawang press conference ng Culmination Program ng Kalivungan Festival 2015 kasabay din ng isinagawang ground breaking ceremony ng 2 storey building na ospital ng Cotabato Provincial Hospital o CPH.

Anya, ilan sa mga ilog at mga creeks sa lalawigan ay nagiging limitado na ang suplay ng tubig.

Nagsagawa na rin umano sila ng pagpupulong kasama ang Provincial Agriculture Office at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang mas mapaghandaan pa ang paparating na drought season.

Datu Ambel National High School ng bayan ng Matalam, Kampeon sa Street Dancing competition ng Kalivungan Festival 2015

(Amas, Kidapawan City/ September 1, 2015) ---Pormal ng nagtapos ngayong araw ang isang linggong selebrasyon ng Kalivungan 2015 at ang ika-101 taong anibersaryo ng lalawigan ng North Cotabato sa pamamagitan ng isang culmination program na pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa Capitol Grandstand, Amas, Kidapawan City kanina.

Highlight sa nasabing aktibidad ay ang street dancing and showdown competition kungsaan naiuwi ng Datu Ambel National High School (KALILINTAD PERFORMING ARTS) ng bayan ng Matalam, North Cotabato ang kampeonato (kalahating Milyun).
Consolation Prizes:

8 patay sa Road Mishap sa National Highway ng Tacurong City

(Tacurong City/ August 30, 2015) ---Nauwi sa malagim na trahedya ang sanay masayang reunion ng isang pamilya matapos masangkot sa road accident ang isang town ace at 10 wheeler truck sa National Highway ng Tacurong City, pasado alas 4:00 ngayong hapon lamang.

Ayon sa report dead on the spot ang driver ng town-ace na si Police Officer 1 Dennis Sancho na kasapi ng Ezperanza Police Station kungsaan pareho ding dead on the spot ang pitong mga kasapi ng pamilya nito na sakay ng Van.

Sa inisyal na pagsisiyasat buhat ang mga biktima sa isang reunion sa Monte Vicencio Resort sa New Passi, Tacurong City at pauwi na sana sa Ezperanza, Sultan Kudarata nang makaenkwentro nila ang 10 wheeler truck na minamaneho nama ng isang nag ngangalang Minyung.