(Kabacan, North Cotabato/ September 2, 2015) --- Patuloy
ang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa pagkamatay ng lalaking biktima ng
pananaksak sa isang sakahan na nasa Purok National Poblacion, Kabacan, Cotabato
alas 8:30 kagabi.
Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero hepe ng
Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Vergilio Narvas Jr. nasa hustong
gulang at residente ng Malvar St. ng nabanggit na bayan.
Nagtamo ng maraming saksak sa likurang bahagi ng kanyang
katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 1 stick ng More
cigarette at isang kalo, kulay blue na may brand name na Puma. Agad namang
tumakas sa direksyon ng Mantawil Street, Poblacion Kabacan ang mga suspek matapos maisakatuparan ang krimen.
Samantala, napag-alaman na marami na umanong reklamo sa
biktima matapos na ilang beses na rin itong paulitulit na nirereklamo sa
Kabacan PNP dahil sa panloloob nito at pambabato sa mga kabahayan kasama na ang
mga kamag-anak nito. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento