(Amas, Kidapawan City/ September 2, 2015)
---Nakatakdang simulan ng Provincial Government of NCot ang Cloud Seeding sa
buwan ng Setyembre ngayong taon.
Ayon kay Gov.Lala Talino Mendoza, ito ay
bilang paghahanda sa paparating na drought season.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isinagawang
press conference ng Culmination Program ng Kalivungan Festival 2015 kasabay din
ng isinagawang ground breaking ceremony ng 2 storey building na ospital ng
Cotabato Provincial Hospital o CPH.
Anya, ilan sa mga ilog at mga creeks sa
lalawigan ay nagiging limitado na ang suplay ng tubig.
Nagsagawa na rin umano sila ng pagpupulong
kasama ang Provincial Agriculture Office at Provincial Disaster Risk Reduction
and Management Council upang mas mapaghandaan pa ang paparating na drought
season.
Kailangan umano itong paghandaan lalo nat
ang lalawigan ay nakabase sa agrikultura at lubha umano itong maapektuhan kung
mananalasa ang tagtuyot.
Samantala kasabay ng pagtatapos ng
Kalivungan Festival 2015, nagpahayag din ang opisyal ng pasalamat sa lahat ng
mga Cotabateno na nagpakita ng pakikiisa at pagsuporta sa kasagsagan ng 101st
na taong pagkakatag ng probinsiya at sa Serbisyong Totoo Programs ng Provincial
Government lalo na sa lahat ng mga opisyales.
Dagdag pa ng opisyal hindi umano maaabot ng
lalawigan ang tinatamasa nitong tagumpay at kaunlaran kung hindi dahil sa mga
opisyales mula sa ibat-ibang lugar ng probinsiya na patuloy ang suporta sa
kaniyang ipinapatupad na mga proyekto. Mark
Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento